Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CHA-CHA PARA MANATILI SA PUWESTO ANG MGA KORAP

$
0
0

UMAASA ang mga mambabatas sa Kamara na pabibilisin ni Pangulong Noynoy ang kilos nilang aprubahan ang panukalang Bangsamoro Basic Law sa pamamagitan ng paglalabas nito ng sertipikasyon para rito.

Sabi ng mga lider ng Kamara na nagmamadaling ipasa ang BBL, kalakip ng sertipikasyon ang pagpwersa sa mga kongresman na dumalo sa mga debateng pangkalahatan upang matiyak ang tamang botohan sa bawat parte ng BBL na nangangailangan nito.

Naririyan lagi kasi, mga Bro, ang pagkuwestyon ng mga kongresman sa quorum dahil sa pag-eskapo ng mga kongresman sa session hall makaraan silang magpalista na “present” sa sesyon.

Kung walang quorum, hindi makagagawa ang mga mambabatas ng botohan at tiyak nang mapipilitang ipatigil ang sesyon.

BEATING JUNE 11

Sa pakiwari ng mga kongresman na pro-BBL, para silang mga tsuper ng mga jeepney na kailangang makalagpas sa tinatawid nilang kalsada bago pumula ang ilaw na senyales ng pagtigil nila.

Kung hindi nila magawa ang “beating the red light”, mga Bro, katakot-takot na trapik ang abutin nila bago sila muling makausad.

Sa Hunyo 11 na ang huling araw ng sesyon kaya gusto na nilang maipasa ang BBL lalo’t napakahirap nang magtawag ng mga kongresman sa bakasyon ng mga ito para sa ispesyal na sesyon.

Sa araw ng State of the Nation Address na lang sa buwan ng Hulyo 2015 magkikita-kita ang mga ito.

NAGMAMADALI

Pero bakit ba talaga nagmamadali ang mga kongresman?

May kaugnayan ba sa napababalitang suhulan mula sa Malakanyang na P50-milyong halaga ng proyekto ang matatanggap ng bawat kongresman na boboto pabor sa BBL?

May kaugnayan ba sa balita ring gusto lang ni PNoy na mayroon itong ipagmamamalaki sa kanyang nalalapit na State of the Nation Address?

O may kaugnayan ba sa inaasahang milyong boto mula sa teritoryo ng Moro Islamic Liberation Front pagdating ng halalang 2016?

O “all of the above” ang sagot?

IMPEACH STYLE

Bigyan natin ng diin, mga Bro, ang balitang suhulan.

Kung totoo na may suhulang P50M bawat kongresman, parang inuulit ng Malakanyang ang panunuhol na ginawa nito noong na-impeach si ex-Chief Justice Renato Corona.

Napakapaninindig-balahibong isipin na ang katarungan para sa mga mambabatas ay usapin ng pera.

Justice for sale pala ang pagkamit ng katarungan at kung hindi makatatanggap ang mga kongresman ng suhol, hindi sila boboto para sa katarungan.

Gayundin, nakapaninindig-balahibo para sa Malakanyang na suhulan nito ang mga mambabatas upang makamit nito ang katarungan o gustong pagsibak laban kay Corona dahil bata ito ni Aling Gloria?

P50M ULIT

Kaugnay nito, sinasabi ng ilang senador na ang 12 senador na pumirma laban sa BBL ay hindi nangangahulugang 12 boto kontra talaga sa BBL.

At may pag-asang babaligtad ang ilan sa mga kontra sa BBL kung darating talaga ang botohan naman ng mga senador?

Ang botohan ba sa hanay ng mga senador ay gagana matapos ang pakikipagpulong ng mga ito kay PNoy gaya ng nangyari sa mga kongresman na sinasabing nasuhulan sa mga miting sa Malakanyang?

Kung magkakatotoo na papabor din ang mga senador sa bersyon ng BBL na gusto ng Malakanyang ang MILF kagaya ng mga kongresman ngayon, mauulit ba ang P50M na tatak na ng mga senador sa suhulan gaya ng impeachment ni Corona?

Ano ang kinabukasan ng mahal kong Pinas?

Suhulan na ba talaga, gamit ang buwis o salaping bayan, ang tunay na anyo ng Tuwid na Daan?

CHA-CHA ANG KAILANGAN

Mayroon pang usapin, mga Bro, na nais gawin nang mabilisan ang mga mambabatas.

Sabi ng 12 senador na anti-BBL na labag sa Konstitusyon ang BBL na isinusulong ni PNoy at ng MILF.

Kaya, kung nais ni PNoy na maaprubahan ang kanyang BBL, kailangang maretoke ang Konstitusyon mismo upang tumugma ito sa BBL.

Kung hindi, tiyak na yayariin lang ang BBL ng Supreme Court…kung may magsasampa ng kaso laban sa panukalang batas.

Anak ng tokwa, ang Konstitusyon pa ang dapat na itugma sa isang panukalang batas lamang.

NO ELECTION

Pero ang nakatitindig-balahibo ay ang nais ng maraming mambabatas na ganap nang palitan ang anyo ng sistema ng pamamahala mula sa presidential patungo sa parliamentary.

Kapag nangyari ito, walang magaganap na halalan o “no election” sa 2016 at magkakaroon ng ekstensyon ng panunungkulan ang lahat ng mga nakaupong korap na senador, kongresman at lokal na opisyal.

Pero number one na magbubunyi ang mga taga-Malakanyang dahil sila ang unang makikinabang sa pagbabagong anyo ng gobyerno.

Magbubunyi sila dahil magpapatuloy ang korap na Tuwid na Daan.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Broken Heart Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>