Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PHILHEALTH, PUNERARYA KINA LOLO AT LOLA

$
0
0

ISA sa mga dapat nating bigyan talaga ng pansin ang ating mga senior citizen o 60-taon pataas.

‘Yun bang === tulungan silang kamtin ang kanilang mga karapatan sa batas na pang-senior citizen gaya ng sa PhilHealth at punerarya.

Siyempre pa, naririyan din ang nauukol sa pensyon na sa karanasan ay nakapapagod at napakahirap na ilakad mismo ng mga ito.

1M ‘DI REHISTRADO

Iniulat na may isang milyong senior citizen ang hindi pa nakarehistro sa Office of Senior Citizens Affairs.

Sa una ay hindi kapani-paniwala ngunit bigla nating naalala ang mga senior citizen na ayaw sumapi sa kanilang mga samahan sa kani-kanilang mga barangay dahil sa pag-iwas nila sa napakaraming kontribusyon.

Kaya naman kumbinsido tayo na maaaring totoo ang ulat.

At kung hindi sila rehistrado, nangangahulugan bang wala silang makukuhang benepisyo gaya ng mga itinatakda ng batas?

PHILHEALTH NAGSALITA

Ayon kay PhilHealth spokesman Dr. Israel Francis Pargas, lahat ng senior citizen na naoospital o bumibili ng kanilang mga gamot ay may karapatan sa 20 porsyentong diskwento.

Kapag hindi pa rehistrado at naospital ang isang senior, mismo sa ospital aasikasuhin ang pagpaparehistro rito para agad silang magkaroon ng mga benepisyong pang-kalusugan.

Ang habilin lang ng PhilHealth, mas mainam na pagsapit natin sa edad na pang-senior, pumunta tayo kaagad sa barangay o sa munisipyo o city hall para magparehistro upang wala nang kuskos balungos sa pagkuha ng kanyang mga benepisyo.

Ibig-sabihin nito, mga Bro, kahit na hindi miyembro ang senior ng mga samahan, basta rehistrado na siya sa mga Office of Senior Citizen sa mga lokal na pamahalaan, matik na siyang makatatanggap ng mga benepisyong pang-PhilHealth.

Saludo tayo sa paglilinaw na ito ng PhilHealth.

PAANO SA PUNERARYA?

Ayon sa isa nating kasamahan sa Remate na si Lea Botones na isang lisensyadong embalsamador at may-ari ng isang punerarya, saklaw rin ng 20% diskwento ang mga kinuha na ni Lord na senior.

Halimbawa umanong nagkakahalaga ng P50,000 ang kabuuang serbisyo, kasama na ang kabaong, halagang P10,000 ang kanilang ibinabawas.

Ipakita lang ang katibayan na senior na ang kinuha ni Lord at sapilitang bibigyan siya ng 20% discount.

ANG MGA PROBLEMA

Sa kwento ng ating mga senior, marami sa kanila ang hindi nagmimiyembro sa kanilang mga samahan dahil sa rami ng bayarin nila.

Halimbawa, kung naging patakaran ang pagbibigay ng kontribusyon ng mga miyembro tuwing may nagkakasakit, mabigat umano ito kahit na P50 lang ang bawat bigay.

Sa rami naman kasi ng mga nagkakasakit na senior, wala nang ibang ginawa ang mga malalakas pa ang tuhod kundi umikot para mangalap ng kontribusyon.

Mabuti pa umano kung nakikialam na si Lord at kahit P100 ang kontribusyon, minsan lang ang pagbibigay at bahala na si Lord sa iba pa.

Kapag naging miyembro ang senior ng pang-munisipyo o panglunsod na samahan, lalong natuturete ang mga ito sa kakokontribusyon.

Ang dami pala ang nagkakasakit at namamatay araw-araw.

Nauubos umano ang buwanang P3,000 pensyon ng bawat isa sa kakokontribusyon kaya umaatras ang iba.

At sa mga barangay na napakarami ang walang pensyon gaya ng mga magsasaka at mangingisda, lalong pahirap ang kontribusyon.

P2,000 DAGDAG

Ang sabi, inaprubahan na ang dagdag-pensyon na P2,000 para sa mga miyembro ng Social Security System at malaking bagay ito sa ating mga katandaan.

Kung susundan talaga ang nagaganap sa mga senior citizen gaya ng ikinuwento na natin na nauubusan ang mga ito sa kontribusyon para sa kanilang mga kasamahang nagkakasakit at namamatay, ang dagdag na P2,000 sa pensyon ay malaking bagay para sa kanila.

Para makita kung gaano kahirap ang kalagayan ng isang senior citizen na hanggang P3,000 lang ang pensyon, marami sa mga ito ang may maintenance na gamot na nagkakahalaga ng nasa P50 araw-araw, kasama na ang diskwento rito.

‘Yun bang === naghalong sakit sa puso, high blood at diabetes ang mga sakit.

Kung araw-araw silang umiinom ng gamot, aba, nasa P1,500 ‘yan sa loob ng isang buwan.

Todas ang dagdag na P2,000 kung isasama pa ang pamasahe nila sa pagpunta sa mga botika.

Eh, kung isama ang mga kontribusyon sa maysakit at patay sa kanila, puro hirap ang inaabot ng mga ito.

Gayunman, salamat sa mga gumawa ng mga batas para sa ating mga senior, mabuhay silang lahat.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>