Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PURISIMA ‘UNTOUCHABLE’ BA TALAGA?

$
0
0

HINDI ba talaga pwedeng galawin ang dating Philippine National Police chief na si Director-General Alan Purisima?

Ang mensahe ng Malacañang kay Senator Bongbong Marcos ay “Leave Purisima alone” dahil nagbitiw na ito sa puwesto.

Marami ang hindi sang-ayon dito dahil hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkasawi ng 44 Special Action Force commandos na minasaker ng puwersa ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero.

Si Purisima ang sinisisi rito dahil siya umano ang nagmaniobra sa naturang operasyon para hulihin ang isang teroristang Malaysian at isang Pilipinong bombmaker, kahit suspendido siya sa panahong iyon.

Sinuspinde siya ng Office of the Ombudsman nang anim na buwan kaugnay ng isang kuwestyunable umanong transaksyon ng PNP.

Sa kasagsagan ng kontrobersiya sa Mamasapano, nagbitiw si Purisima bilang PNP Chief, at nang matapos ang suspensyon ay nag-leave.

Masama ang loob ng iba dahil kahit sabit ito sa kontrobersiya at hindi nagtatrabaho ay sumusuweldo nang mahigit P100,000 buwan-buwan, samantalang sila’y hindi makahinga sa sobrang pagod para sa kakarampot nilang sinusuweldo.

Kapag nagretiro si Purisima ay tatanggap ito ng P91,000 buwanang pensyon.

Hindi inilihim ng Pangulo na naging matalik silang magkaibigan ni Purisima mula nang iligtas siya nito sa isang pananambang noong nakapuwesto ang yumaong President Cory Aquino.

Kaya hindi nawawala ang hinala ng marami na “protektado” ito ni President Noynoy Aquino hanggang ngayon.

Kung may pananagutan o kapalpakan na nagawa si Purisima, pwede ba itong mabura nang dahil sa pagbibitiw niya sa puwesto?

Paano naman ang hustisya na hanap ng mga kaanak ng SAF 44 kung totoong siya ang dapat sisihin sa trahedya?

*  *  *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email lang sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014


Lagarto para colorear


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>