Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BATIK AT DANGAL NG MPD

$
0
0

BAGO mapasok sa Philippine National Police mula sa pagiging sibilyan, napakaraming pagsusulit at pagsubok ang pinagdaraanan ng isang alagad ng batas o pulis.

Isa sa pangunahing panuntunan upang mapabilang na miyembro ng PNP ay nakatapos sa kolehiyo ng apat na taong kurso at pumasa sa pagsusulit na taunang ibinibigay ng National Police Commission.

Kapag napabilang sa quota ng iba’t ibang unit ng PNP, maituturing na swerte dahil matapos ang oathtaking, pwede nang ipangutang ang suweldo kahit sabihing sasailalim pa sa training.

Kaya marami sa mga pulis ang mahal na mahal ang kanilang uniporme, tsapa at higit sa lahat ay baril dahil sa hirap na kanilang pinagdaanan.

Pero itong si PO3 John Dale Bautista, ng Manila Police District – Public Safety Battalion ay walang pakialam sa magiging reputasyon ng PNP sa kanyang mga kalokohang pinaggagagawa.

Ipinagmamalaki pa niya na malakas siya sa kanyang hepeng si S/Supt. Marcelino Pedroso. Kaso, pinatunayan ni Col Pedroso na pantay-pantay ang turing niya sa mga tao kaya nang ilagay siya sa team na nagbabantay sa US Embassy ay ‘di pinasukan ng kolokoy kung kaya siya ay in-AWOL (Absent without official leave).

Ipinagyayabang din nitong si PO3 John Dale Bautista na ilang beses na siyang nasuspinde dahil sa mga kaso pero dahil may padrino siya sa PNP ay nananatili pa rin siya sa pulisya.

Ungas ka pala. Suspensyon ang ibinigay sa iyo kaya pulis ka pa rin hanggang ngayon. Sana sa susunod na kaso mo na mapatutunayang nagkasala ka ay dismissal from the service na para ‘di ka na makapagyabang na nasa serbisyo ka pa.

Habang nasa serbisyo ka kasi ay dinudungisan mo ang uniporme mo. Paano pa magtitiwala ang mamamayan sa mga katulad mo kung puro kalokohan at panlalamang sa kapwa, lalo na sa babae, ang ginagawa mo?

Isa kang batik sa MPD. Mismong mga tao na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang kumakausap sa iyo upang ayusin mo ang atraso mo sa isang babaeng inutangan mo na ay tinarantado mo pa.

Pero nagmamatigas ka. Ang sabi mo ay ‘di mo inutang ‘yun dahil syota mo tapos idinemanda mo sa Quezon City Prosecutor’s Office matapos mong isangla ang ATM mo.

Maloko ka talaga. Sana singilin ka agad ni Carmi o karma sa mga kalokohan mo.

Mabuti na lang hindi mo kamag-anak itong si SPO2 Jonathan Bautista, ng MPD-homicide section, na napiling Senior Investigator of the Year.

Deserving si SPO2 Bautista sapagkat matiyaga nitong nireresolba ang mga hawak niyang kaso.

Wala siyang pakialam kung may sangkot na kabaro sa hawak niyang kaso basta ang mahalaga ay mabigyang katarungan ang pagkamatay ng biktima.

Dangal siya ng MPD, Dangal siya ng PNP. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>