Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BINASTOS, NILAPASTANGAN ANG INA MO, ANONG GAGAWIN?

$
0
0

BINASTOS at nilapastanganan ang iyong ina, ano ang gagawin mo?

Siguro naman karamihan sa atin ay malapit sa ating nanay. At dapat lamang kasi, sabi nga nila, wala namang makapapantay sa pagmamahal ng isang nanay.

Balik-tanawin natin ang mga dakilang pinuno ng kasaysayan at sino ang nasa likod nila? Korek!

Walang iba kundi si Mother Dear siyempre.

Ikaw? Siguro naman close ka sa nanay mo? Baka nga mother’s boy ka pa kamo?!

Eh, ano ang gagawin mo ‘pag binastos at nilapastangan ang iyong ina?

Si Hesukristo nga mismo, biktima rin kasi, binabastos din ang kanyang Mahal na Ina mula noon pa. At mas lalo pa ngayon. Ano ang ginawa ni Hesus?

Hiningi niya kay Sister Lucia Dos Santos ng Fatima, Portugal noong 1930 ang pagpapalaganap ng debosyon sa Kalinis-linisang Puso ni Maria at ang Five First Saturdays of Reparation.

Aniya, may limang kasalanan laban sa kanyang Inang si Maria na sumusugat sa kanilang puso: 1. Kalapastanganan laban sa Imaculada Concepcion, 2. Laban sa kanyang pagiging isang birhen, 3. Laban sa kanyang pagiging Ina ni Hesus at ng buong sanlibutan, 4. Ang paninira kay inang Maria sa mata ng mga bata at 5. Sa mga nang-iinsulto sa kanya sa harap ng kanyang mga banal na imahen.

Limang matinding kasalanan laban sa kanyang ina na kayang pawiin sa pamamagitan ng pagkukumpisal, pagrorosaryo, meditasyon at pagtanggap ng banal na komunyon sa limang magkakasunod na First Saturdays.

Hinihingi ito ni Hesus bilang pangontra at pagbawi sa pambabastos at paglalapastangan sa kanyang mahal na inang si Maria.

Ngayon na alam mo na, ano ang gagawin mo?

Ang nakalulungkot, marami na ang may alam … ngunit kakaunti lang ang tumutugon sa hinihingi ni Hesus na Five First Saturdays of Reparation.

Ikaw, ‘di mo rin ba kayang gawin ito para pawiin ang kirot na dulot ng limang kasalanan na ito sa mga puso nina Hesus at Maria?

Mabuti na lang at may mga bagong tumugon. Sa Batangas, sa Archdiocese of Lipa ay agresibong pinalalaganap ni Archbishop Arguelles ang debosyong ito.

Katunayan ay gusto niyang lahat ng parokya sa Batangas ay malagyan ng Marian Monuments ng Grupo Da Imaculada.

Ngayon naman ay pumayag na rin si Fr. Victor Munar ng St. Joseph the Worker Parish sa Baguio City at pati si Atty. Arnel Casanova ng BCDA ay pumayag na maglagay ng GDI Marian Monuments sa Clark Green City at sa Camp John Hay.

Ikaw? ABISO/PAUL EDWARD P. SISON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>