NGAYON ay bigyan natin ng daan na mailathala ang isang liham na in-email sa atin ng mag-asawang taga-Nueva Vizcaya na may kinalaman sa lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay na ginawang ‘right of way’ ng isang surveyor engineer at napakalaki ang nakuha sa kanilang lupa.
Basahin natin ang nilalaman ng ipinadala sa email:
Dear Mr. Johnny Magalona: Ako si Joemar de Guzman at ang misis kong si Ching-ching na kapwa taga-Bayombong, Nueva Vizcaya 3700 ay may problema tungkol sa lupa na kinatitirikan ng aming bahay na ginawa ng isang Engineer (Surveyor) na ‘right of way’ at halos kalahati ng aming kusina, sala, toilet at master’s bedroom ang nakuha.
Gayundin na ibinigay niya ang halos isang metro na parte ng aming garahe sa aming kapitbahay noong sya ay mag-survey. ‘Yung re-survey niya na ‘yun ang nakaapekto ng malaki sa bahay namin at lupa.
Pina-approve niya sa Tuguegarao Cagayan Region na wala kaming kaalam-alam at hindi man lang kami inabisuhan o sinabihan.
Parang underground at patalikod ang ginawa niya sa amin. Hindi rin namin alam na ganun ang nangyari sa bahay namin kasi halos 3 years na kaming nakatira dito at nagulat na lang kami nang may mga bagong concrete mark (mohon) na tumatama sa aming bahay at wala na ‘yung mga original na mohon na tinuturo ng pinagbilhan namin bago kami nagpatayo ng bahay.
Ligal kaming nagpatayo roon at wala kaming ninakaw sa kahit kanino kasi may kumpleto naman kaming papeles bago nagpatayo. (ITUTULOY)
BOOKIES SA SAN JOSE PADER SA REGION 4-A
Untouchable pa rin ang bookies ng STL ni Kap. Noel Virtucio sa San Jose, Batangas.
Hindi hinuhuli ang bookies ni Kap. Noel dahil bukod sa kapitan ng barangay ang misis nito ay pulis San Jose ang utol naman nitong si SPO4 Virtucio.
Maging si San Jose Mayor Tiquio Briones ay inutil para patigilin ang bookies ni Kap. Noel.
Palibhasa malaki ang timbre na ibinibigay ni Kap.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


