NGAYON ako naniniwala na hindi kailanman na mapipigil pa ang katiwalian sa ating sistema ng katarungan dahil mismo ang hukom o huwes ang kasabwat ng mga sindikato na nagbabayad kapalit ng pabor na desisyon.
Welll, ang latest kong napag-alaman, hindi ko lang alam kung gaano katotoo ito, ay may isang hukom daw malapit sa Pasig ang ginagamit ng may-ari ng isang kumpanya upang masuhulan ang iba pang hukom pabor sa kanyang mga kaso.
Ginagamit ng kumpanya si alyas Judge Yes Sir ng kanyang hukuman bilang koneksyon niya para magkaroon ng pabor na desisyon sa kaso nito (hindi ko lang alam kung gaano katotoo ito?)
Si Judge Yes Sir ay dating tumakbo bilang pangulo ng Philippine Judges Association (PJA) at siya ay natalo.
Ang matindi pa rito, ito palang si Judge ay dati nang inimbestigahan ng Supreme Court, National Bureau of Investigation at Department of Justice.
Sa madaling salita, may bahid na ng dungis ang pangalan niya kaya hindi kataka-taka na magpagamit siya sa may-ari ng kumpanya.
Sinasabing nakikialam ang tinaguriang Ma’am Arlene na inihalintulad sa Janet Napoles na nagbibigay ng suhol sa mga miyembro ng hudikatura upang manalo ang kanyang kliyente kabilang ang mga negosyante.
Ayon sa DOJ, naging mapulitika at marumi ang naging eleksyon ng PJA kung saan nagwagi ang judge na kamag-anak ng aktor na si Jet Lee laban kay Judge Yes Sir at iba pang judge.
Ang tatlong ito ay iniimbestigahan ng mga awtoridad dahil sa nangyaring eleksyon.
Ngunit nasaan na ang resulta ng naturang imbestigasyon laban kay Judge Yes Sir?
Tila kinalimutan na ito ng ating pinakamataas na hukuman at mga awtoridad.
Kung totoo man na sangkot si Judge Yes Sir sa “justice for sale” hindi lang dapat siya kasuhan kundi sibakin din siya!
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA