Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MUNTI TODO-PUGAY SA TATAY

$
0
0

BILANG pagkilala sa mga ama ng tahanan at sa pagpupursige ng mga ito sa pagbibigay ng sapat na atensyon sa kanilang pamilya ay naisipan ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City na paglaanan ang mga ito ng mga programa kasabay ng pagdiriwang ng “Father’s Day.”

Ayon kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, ang kanilang pagbibigay ng importansya sa mga ama ng tahanan ay bilang pagtanaw na rin ng utang na loob dahil sa walang sawang paghahanap nito ng  paraan para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak at asawa.

Isa sa mga proyektong inilaan ng lokal na pamahalaan ay ang pagbibigay ng libreng gupit,  massage, manicure, pedicure at iba pa na pangangasiwaan ng Gender and Development Office sa June 19.

Magbibigay rin ang lokal na pamahalaan ng Gawad Ulirang Ama ng Muntinlupa 2015 upang higit pang pagbutihin ng mga ama ang kanilang pagpupursige na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya.

Idedeklara ang mananalo sa June 20 (Sabado) kasabay ng iba pang awarding ceremony sa Muntinlupa City Hall Quadrangle.

Magsasagawa rin ang Muntinlupa City ng “Daddy Selfie 2015” sa social media kung saan ay maaaring magsumite ng kanilang partisipasyon ang lahat ng tatay sa lungsod sa pamamagitan ng pagkuha ng selfie pictures, kasama ang kanilang miyembro ng pamilya.

Maging sa larangan ng pagkanta ay magkakaroon din ng paligsahan ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City na pinamagatang “Yan ang Tatay Ko!”

Maaaring sumali rito ang  lahat ng ama, kasama ang kanilang anak.

Magkakaroon naman ng partisipasyon ang mga tricycle driver sa selebrasyon ng Father’s Day kung saan ay kasali ang mga ito sa “Takbo Tatay Takbo!” Tricycle Operators and Drivers Association Free Fun Run na gaganapin sa June 20 (Sabado) sa NBP Reservation, Poblacion.

Happy Father’s Day sa lahat ng magigiting na ama at Mabuhay po tayong lahat! ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>