Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MILF DECOMMISSIONING? GOOD AND BAD

$
0
0

HAYUN, internasyonal ang dating ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) decommissioning na ang ibig-sabihin ay pagsuko raw ng armas tungo sa usaping pangkapayapaan. GOOD.

Dumating ang iba’t ibang sugo ng mga bansa bilang saksi raw. Sa mga pahayag ng nagsalita, iyon na raw ang simula ng kapayapaan matapos ang mahigit limang-dekadang digmaang bayan sa Mindanao. GOOD.

Sabi ni Don Benigno Simeon Cojuanco Aquino a.k.a. PNoy, ang inisyatibo lang daw ng kanyang administrasyon ang totoong tumahak sa landas ng mapayapang Mindanao.

Ha? Ibig ba niyang sabihin ultimo noong administrasyon ng nanay niya BAD?

Sino ba sa mga Filipino ang ayaw ng kapayapaan? Sino ba ang may gusto ng dahas?

Sino ang may gusto na magrebelde laban sa estado? Bakit may rebelyon at sesesyon? Kapabayaan ito ng mga lider, PNoy!

Kahirapan ang nagtulak sa marami nating kababayan para magrebelde kontra sa mga lider ng pamahalaan.

Kahirapan ang ugat ng lahat ng tunggalian ng apektadong mga sektor. Bunga ito ng mga kapabayaan at katiwalian ng mga namuno sa ating Inang Bayan!

BAD!

Sa nangyari na MILF military decommissioning, maganda na sana.

Kaya lang, ‘yung mga isinuko ng BIAF o Bangsamoro Islamic Armed Forces ay pawang mga sira na, hindi na nagagamit. Inayos lang para magmukhang bago sa mata ng mga niloloko nilang testigo!

Marami sa isinuko ay mga carbine at armalite na ibebenta na lang sana sa diyaryo-bote-bakal pero pinagkakitaan pa dahil sa melodrama ng decommissioning ng Malacañang-OPAPP-MILF.

Ang tanong: saan at kanino galing ‘yung mga ripleng carbine at armalite? ‘Yung ilang pirasong matataas na riple walang duda, pinaglumaan nga ito ng MILF combatants.

Isinama ‘yung una para magmukhang marami ang ikinanlong na sandata?

Ang matindi, bawat armas ay may katapat na P25-libo.

Hindi problema, kung katumbas nito ay pagsuko patungo sa kapayapaan pero por dios por kilo, pati mga hindi armas ng MILF ay tila sadyang isinama para matapatan din ng ganoon kalaking pera. BAD.

Sabi ng “kapatid kong Moro” sa Maguindanao, wala silang lumang armas. Eh, kanino ang mga iyon? BAD!

Kung gusto talaga ni PNoy na wakasan ang rebelyon at anomang uri ng terorismo sa Mindanao, yaman din lamang na paulit-ulit niyang sinasabi na “failed experiment” ang mga nauna na inisyatibo tulad ng ARMM.

Bakit hindi mo ibuhos ang pondo kasabay ang mabilis na paggawa ng maraming imprastraktura sa Mindanao?

‘Yung pondo ng OPAPP, Malacañan, Congress at mga inutil na ahensiya, kunin mo at ibuhos nang agaran sa buong paligid ng Mindanao. Walang tututol diyan basta totoo.

Kaya lang, ang nangyari na MILF decommissioning ay sadyang moro-moro.

Pinagkakitaan lang ng mga tao mo! VERY BAD! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>