Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

RIDING-IN-TANDEM BUHAY NA BUHAY MULI

$
0
0

HINDI maitatangging malapit na naman ang halalan 2016. Nag-iingay na kasi ang mga politiko. Kanya-kanyang pagpabango ng pangalan at paninira sa kalaban.

Subalit nabuhay naman ang riding-in-tandem (RIT) na walang awang nang-aagaw ng alahas o bag ng mga kawawang mamamayan. At ang masakit ay pinapatay o sinasaktan ng mga walang kaluluwang nilalang ang kanilang mga biktima.

Asahang hindi lang riding-in-tandem ang lulutang kundi maging ang bank robbers o payroll robbers. Noong isang linggo, si Rudy Rosimo, barangay kagawad ng Bgy. 261, Tondo, Maynila, ay namatay dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo matapos tatlong beses barilin ng isang miyembro ng RIT na nang-agaw ng kanyang kwintas.

Pauwi galing sa barangay hall si Rosimo nang biglang hablutin ng isa sa dalawang lalaking lulan ng motorsiklo ang kanyang kwintas sa Severino Reyes St. malapit kanto ng Bambang St. Bagaman nabigla, nanlaban si Rosimo at pilit binabawi ang kanyang kwintas na ikinapikon ng isa sa mga suspek at bumaril sa kanya.

Makalipas ang dalawang araw, muli na namang umatake ang malupit na riding-in-tandem sa nasabi ring lugar. Hindi sinaktan ang biktima dahil hindi ito nanlaban.

Noong Martes ng umaga, muli na namang umatake ang RIT at isang babae ang inagawan ng bag. ‘Di naagaw ang bag dahil hindi nito binitiwan kahit sinapak-sapak na ng mga suspek ang kanyang mukha na naging sanhi ng pagdurugo nito. Maraming tao ang nakasaksi subalit wala sa mga iyon ang tumulong dahil sa takot na madamay.

Mismong sa Severino Reyes at Bambang Sts. na mataong lugar nagaganap ang pag-atake ng RIT pero walang ginagawang hakbang ang mga tauhan ng Manila Police District -Station 3. Ibig bang sabihin ay pakaang-kaang ang hepe nito na si Supt. Aldrin Gran? Aba’y kung ganyan lang na kaso ay ‘di kayang resolbahin ni Gran o ng kanyang PCP commander ay mabuti pang magbalot-balot na siya at lumikas na mula diyan sa kanyang opisina.

Col. Gran, lutasin mo ang kaso ng RIT sa lalong madaling panahon o matatapos ang tinatamasa mong kasaganaan? Mahirap namang puro ikaw lang ang may pakinabang. Magtrabaho ka naman!

May nakuha naman yatang footages ang CCTV sa lugar kaya hindi naman sa blangkong pader magsisimula ang mga tao mo, Col. Gran, para hindi matukoy kung sino ang mga miyembro ng RIT na pinamunugaran ang teritoryo mo.

Kilos na! Pabilibin mo naman ang masipag mong District Director na si Gen. Rolando Nana na walang tigil na nag-iikot sa kanyang nasasakupan para mapanatili ang kapayapaan at hindi mawala ang tiwala ng bayan sa kapulisan.

Pero kapag tuloy-tuloy na walang ginagawa ang MPD laban sa RIT, tiyak na si Mayor Joseph Estrada na ang gagawa ng hakbang upang pigilan ang RIT na sumikat noong hindi pa siya ang alkalde ng Maynila. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>