Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

VALENZUELA TOP 3 SA SEA CITIES SA MAY MABABANG CRIME RATES

$
0
0

MALAYO na ang nararating ng Valenzuela City simula nang magsilbi ang magkapatid na sina Mayor Rex Gatchalian at 1st District Congressman at dating Mayor Win Gatchalian dahil na rin sa magagandang proyektong ipinatutupad ng mga ito para sa mga Valenzuelanos.

Kamakailan ay naglabas ng top 10 cities sa South East Asia ang online database na Numbeo para sa mga ligtas na lungsod sa naturang rehiyon at pumangatlo ang Valenzuela City.

As of June 17, 2016, mayroon lamang 28.32 crime index ang Valenzuela at may safety index na 71.64 habang nanguna ang Singapore na may crime index na 17.36 at safety index na 82.64 at pumangalawa ang Davao, Philippines na may 17.93 crime index at 82.97 safety index.

Ang karangalang ito’y dahil na rin sa sipag at galing ni Mayor Rex na walang sawang nagbibigay ng tulong sa kapulisan na nagiging dahilan upang maging masipag ang mga pulis sa kanilang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Kabilang sa bumubuo sa listahan ay ang mga sumusunod: 4-Chiang Mai, Thailand, 30.12 crime index at 69.88 safety index; 5- Bandar Seri Begawan, Brunei, 36.04-63.96; 6-Vientiane, Laso, 38.09-61.91; 7-Bangkok, Thailand, 38.29-61.71; 8-Phuket, Thailand, 39.01-60.99; 9-Yangon, Myanmar, 44.67-55.33 at huli sa listahan at number 10 ay ang Phnom Penh, Cambodia na may 46.48 crime index at 53.52 safety index.

Patuloy naman ang kapulisan sa pagsugpo sa krimen kahit na nag-number 3 sila sa SEA cities na may pinakamaliit na nagaganap na krimen dahil target ng Valenzuela na mag-number 1 sa nabanggit na rehiyon at maging sa buong mundo.

Nagpasalamat pa nga si Mayor Rex sa mga pulis at sa mga barangay dahil sa pakikipagtulungan ng mga ito upang maging tahimik ang buong lungsod at maging ligtas ang mga naninirahan sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Napag-alaman pang ang inilabas na ulat ng Numbeo ay ibinase sa mga turistang nagpupunta sa bawat lungsod at isa ang Valenzuela sa mga nagustuhang lugar ng mga bumibisitang dayuhan dahil mas ligtas silang magtungo dito.

Ang Numbeo ay ang kinikilalang world’s largest database user. Nagbibigay ito ng impormasyon sa bawat lungsod ukol sa cost of living, housing indicators, health care, traffic, crime at pollution ng bawat lungsod.

Nangako rin si Mayor Rex sa mga residente na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang pagbibigay ng makabuluhang serbisyo publiko nang sa gayon ay higit pang maging mapayapa ang Valenzuela.

Ang tagumpay na ito ng Valenzuela ay dahil na rin sa pagpupursige ni Mayor Rex na mabigyan ng maayos na kabuhayan ang mga Valenzuelano. Mabuhay ka, Mayor, sa iyong magagandang hangarin sa mga residente. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


5 Tagalog Relationship Rules


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>