Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SENADO BABALASAHIN DAHIL LANG SA BBL

$
0
0

INUTUSAN umano ni President Noynoy Aquino si Senate President Franklin Drilon na i-reorganize o balasahin ang Senado upang mabilis na makapasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) na binuo ng Palasyo.

Ito ang ibinunyag ni Sen. Bongbong Marcos sa mga mamamahayag na kung matutuloy ay maaaring mawala sa kanya ang pagiging chairman ng committee on local government na bumubusisi sa mga nilalaman ng BBL.

Hindi pumasa kay Marcos ang maraming probisyon sa BBL dahil salungat ang mga ito sa ating Konstitusyon.

Nilinaw ni Marcos na hindi siya kontra sa BBL at sa halip ay gumagawa ng paraan para ayusin ito upang hindi mauwi sa basurahan kapag dumaan sa Korte Suprema.

Hindi magandang senyales kung totoong magkakaroon ng balasahan sa utos ng Pangulo dahil lumalabas na binabraso ni PNoy ang Senado para maaprubahan ang BBL na magbibigay ng kapangyarihan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na kontrolin ang malaking bahagi ng Mindanao.

Nagpasaring pa si PNoy nang tanungin kung nasaan ang konsensya ng mga kumokontra sa kapayapaan na idudulot ng BBL.

Pero may mensahe na lumabas sa social media na kumukuwestyon kung paano nagawa ng Pangulo na magbigay ng milyones sa MILF kapalit ng 75 baril na isinuko sa isinagawang “decommissioning” ng armas at 145 na rebelde kamakailan lang.

Nakalimutan na raw ba ni PNoy na ang MILF ang nangmasaker sa 44 Special Action Force (SAF) commandos at hanggang ngayon ay hindi pa nila napananagutan ang krimeng ginawa?

Halimbawang magkaroon ng balasahan sa Senado ay hindi nito mababago ang katotohanan na salungat ang maraming kondisyones ng BBL sa Konstitusyon.

Ipipilit ba nilang mailusot ang isang batas na hindi sumusunod sa Saligang Batas?

*              *              *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>