Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WIN ANG SENIOR CITIZEN

$
0
0

MAGANDA ang isinusulong na panukalang batas ni Valenzuela City 1st District Congressman Sherwin “Win” Gatchalian na nagbibigay ng proteksyon sa mga senior citizen para makaiwas ang mga ito sa pananakit at iba pang pang-aabuso.

Ang House Bill 5732 o mas kilala sa tawag na Protection for the Elderly Act ay ang magiging sandalan ng mga senior citizen para maprotektahan ang kanilang mga karapatang naaayon sa batas.

Maraming senior citizen ang natuwa sa paghahain ni Cong. Win ng panukalang ito sa Kamara dahil, ayon nga sa mga matatandang ating nakausap, may batas na rin na kakalinga sa kanilang mga karapatan.

Ayon nga kay Congressman Win, bagama’t kilala ang ating bansa sa pagkakalinga sa mga matatanda ay may ilang bilang sa ating mga Filipino ang nilalabag ang ating nakasanayan na pag-aalaga sa mga nakatatanda kaya naisipan niyang ihain ang House Bill 5732.

Bukod sa physical abuse ay pangangalagaan din ng naturang batas ang emotional at economic abuse ng mga senior citizen sa bansa.

Napapanahon ang paghahain na ito ni Congressman Win ng Protection for the Elderly bill dahil patuloy ang pagdami ng bilang ng mga senior citizen sa ating bansa at sa pamamagitan nito’y mapipigilan na ang pang-aabuso sa kanilang karapatan.

Nakasaad sa naturang house bill na maaaring maparusahan ng maximum period sa ilalim ng ating revised penal code ang sinomang mapatutunayang lalabag sa karapatan ng mga nakatatanda.

Parehas din na parusa ang maaaring ipataw sa sinomang mapatutunayang nagpabaya sa mga senior citizen sa kanilang basic needs, medicines, services at iba pa na nakasaad sa kanilang mga karapatan.

Lumabas din sa isang pag-aaral ng University of the Philippines-National College of Public Administration and Governance na ang mga anak ang pangunahing lumalabag sa karapatan ng mga senior citizen na sinundan ng asawa at ang panghuli ay ang apo.

Sa ilalim din ng house bill ni Congressman Win, maaaring manghingi ng tulong sa barangay ang sinomang senior citizen na napabalitang inaabuso na iimbestigahan naman ng mga ito at kapag napatunayan ang paglabag ay maglalabas ang mga opisyal nito ng Barangay Protection Order na tatagal hanggang 15-araw hanggang sa madala ito sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development.

Sana’y maipasa ang house bill na ito dahil maraming senior citizen ang makikinabang dito. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>