Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GRACE, PULLING AWAY

$
0
0

NAUNGUSAN na ni Sen. Grace Poe si Vice-President Jojo Binay sa latest presidential survey ng Pulse Asia at Social Weather Station.

Sa kabila ng ipinupukol na residency at citizenship issues laban kay Grace, pulling away na ang senador kay Binay.

Sa naunang report ng Pulse Asia, umaabot sa 30 percent ang nakuha ni Poe, samantalang 22 percent lamang ang nakuha ni Binay sa kabuuang 1,200 respondents. Sa SWS naman, nakakuha ng 42 percent si Grace, samantalang si Binay ay nakakuha naman ng 34 percent.

Malinaw na ipinakikita sa survey ng Pulse Asia at SWS na sa kabila ng patuloy na black propaganda laban kay Grace, ang suporta ng publiko ay patuloy na nakukuha ng babaeng mambabatas.

Ang ibig lang nitong sabihin, underdog pa rin ang gusto ng taumbayan.

Sabi nga sa nauna kong kolum, nagpapabugbog lang si Grace!

Nagpasalamat naman si Grace sa kanyang supporters at nagsabing, “Muli, ako ay mapagkumbabang nagpapasalamat sa tiwalang ipinagkakaloob ng ating mga kababayan. Kasama po nila akong naghahangad ng isang bansang makapamumuhay ang bawat Filipino ng may patas na oportunidad at pagkakataong umunlad. Ang tinig ng ating mga kababayan ay mahalaga sa akin.”

Sa mga susunod na araw, asahang masusundan pa ang mga paninira laban kay Grace.

At dapat nakahanda rito ang kanyang kampo dahil tiyak pati ang kanyang pamilya ay ilalabas din ang “baho”, masira lamang ang kanyang planong maging Pangulo.

At sa nangyaring pagbibitiw sa gabinete ni Binay, asahang higit na magiging mabalasik ito sa kanyang mga kalabang politiko, lalo na sa mga presidentiable na tatakbo sa May 9, 2016 elections.

Sana, hindi maging marumi ang pulitika habang papalapit nang papalapit ang nakatakdang eleksyon. Nakalulungkot ang ganitong political scenario sa Pilipinas.

Nauuna ang siraan bago ang plataporma na dinadala ng bawat kandidato.

Umaasa tayo na higit na magiging aktibo ang iba’t ibang election watchdog, kabilang na ang PNP, sa sandaling magsimula na ang campaign period para sa matahimik na pambansang halalan. KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>