Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GENETICALLY MODIFIED NA PAGKAIN BANTAYAN

$
0
0

MATAGAL na nating alam na dumarami ang mga genetically modified o GM na bagay-bagay mula sa halaman hanggang sa mga hayop at tao.

At hinahayaan lang natin na paunlarin ng mga siyentista ang GM sa katwirang maaaring ikauunlad ito nang husto ng buong mundo.

Pero sa nangyari sa Pransya na kinatay at inulam ang isang karnero o tupa na GM at binuo mula sa pinaghalong jelly fish at karnero, medyo kinilabutan tayo.

Ang ganitong uri ba ng GM sa mga hayop at halaman ay kinakain o inuulam na natin?

Nagtatanong tayo sapagkat nakalalason ang jelly fish at ang pagkakaalam natin, eh, wala pang taong nag-ulam ng jelly fish mula sa ating mga ninuno hanggang sa ating panahon.

SINO ANG NAG-ULAM?

Sa ulat ng AFP News na pinakalat ng Yahoo News, inaalam na ng mga awtoridad sa Pransya kung sino-sino ang mga kumain o nag-ulam sa kinatay na karnerong jelly fish.

Ito naman kasing National Institute for Agricultural Research sa Paris sa Pransya, eh, ipinadala sa katayan ang karnero.

Siyempre, kinatay ito ng mga matansero saka ibinenta ang karne ng karnero.

Saka ngayon, nagkakandarapa ang nasabing ahensiya sa pagkilala sa mga taong gumawa ng mga kilawin, papaitan, bulalo, dinuguan at kung ano-ano pa sa karnero.

Anak ng tokwa, kung anoman ang magiging kahihinatnan ng imbestigasyon at kung may lalabas man na nalason sa pagkain sa karnerong jelly fish, abangan na lang natin.

BIGAS, MAIS, TALONG, SOYA

Dahil sa pagsasabi ng Food and Drug Administration ng Pinas at ng United Nations na ligtas sa tao ang mga GM na pagkain, hayun at biglang dumami ang nagtatanim na ng mga GM na palay na tinatawag ngayong Golden Rice, talong na tinatawag na BT eggplant at mais na BT corn o ‘yung maputing mais.

Mainam umano kasi ang mga pananim na ito dahil hindi madaling kapitan ng mga peste, matatag sa tag-ulan at tag-araw at kung ano-ano pang kabutihan.

At ayon sa FDA, marami na sa merkado o grocery at sari-sari store ang produktong GM na maaaring ibinebenta nang sariwa o sinardinas o dinaing.

Bukod sa bigas, mais at talong, GM na rin ang soya.

Pero tiyak na may iba na ring mga pananim sa Pinas ang isinasailalim sa GM at binebenta at kinakain na natin.

MGA DAGA ALLERGIC

Nagbababala naman ang Health Alliance for Democracy laban sa mga GM na pagkain, mga Bro.

Sa mga pagsusuri na kanilang isinasagawa sa pamamagitan ng mga daga, nagka-allergy umano ang mga hayop na ito na pinakakain ng GM na bigas o palay o Golden Rice.

Tanong nila: hindi kaya nagaganap din ito sa mga tao?

Alalahanin na idinaraan sa mga daga ang mga eksperimento sa mga pagkain at gamot at kung natagpuan na kontra sa katawan ng mga daga ang isang pagkain o gamot na tinetesting, agad na itinitigil at ipinagbabawal ang mga pagkain o gamot na ito.

Pero sa kaso ng Pinas, oks lang nang oks ang mga awtoridad at binabalewala ng mga ito ang mga babala ng katulad ng HAD.

Binabalewala rin ng DFA natin ang pagbabawal sa lahat ng mga GM na pagkain ng ibang bansa gaya mismo ng Japan at India at halos lahat ng bansa sa Europa, Canada, United States, Mexico, Australia at New Zealand.

Ngayon: hindi ba tayo pinagloloko ng mga kompanyang gumagawa ng mga GM na pagkain, kabilang na ang mga pananim at hayop?

ESEP-ESEP

Ang mabuting gawin siguro para magkaroon tayo ng leksyon at mapag-aralan nang husto ang mga GM na pagkain, hayop man o halaman, eh, itambak natin sa kusina ng mga taga-DFA ang lahat ng mga GM na karne, gaya ng karnerong jellyfish, golden rice, bt corn, bt talong at bt soya.

Wala silang kakainin at uulamin kundi ang lahat ng ito. At obserbahan natin ang mga ito.

Lahat ng mga taga-FDA, pati ang pamilya ng mga ito, walang kakainin o uulamin kundi pawang gawa sa GM.

Lahat din ng mga nagpapakalat ng GM na pagkain, gapusin sila at ilagay sa iisang lugar at walang ibang kakainin at uulamin ng mga ito kundi ang mga GM na pagkain din.

At tingnan natin kung ano ang resulta sa kanilang katawan, pag-iisip, atay, pancreas at iba pa.

PESTE AT SAKIT

Bigyan natin ng partida ang mga taga-FDA at nagpapakalat ng mga GM na pananim at pagkain.

Isang taon lang na wala silang kakainin at uulamin.

Kung hindi sila magkasakit at magkandapeste-peste, sige, magtanim tayo ng kanilang mga produkto.

Pero sila pa rin ang dapat na kumain at mag-ulam ng mga ito, kasama na ang tupa na ginawa mula sa jelly fish.

Hanggang sa tuluyan silang mapeste. Hehehe.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>