Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAHA, BAHA, BAHA!

$
0
0

MAY mga patalastas na sa TV at sa radyo, maging sa mga diyaryo at sa social media, ng mga babala tungkol sa climate change.

Maraming mga environmentalist ang nagsasabing ang climate change raw o ang pagbabago ng temperatura ng mundo ang dahilan ng delubyo ng kalikasan na sumisira sa mga ari-arian at kumikitil ng buhay.

May mga debate pa tungkol sa climate change pero rito sa atin ay opisyal nang nag-umpisa ang panahon ng tag-ulan.

Sa ating karanasan, umpisa talaga ng maraming ulan sa buwan ng Hunyo hindi pa man uso ang debate sa climate change.

Ang mga local government unit (LGU) ay dapat nakahanda na sa mga parating na baha.

Mas madaling maghanda kaysa mamroblema kung paano ililigtas ang mga biktima kapag lumaki ang tubig.

Pero marami na tayong karanasan na mapagkukunan ng aral tulad ng sa bayan daw ng Malabon na ang balita ko ay nabawasan ang mga insidente ng pagbaha dahil naging aktibo ang LGU leaders sa paglilinis ng mga daanan ng tubig at sa pagtanggal ng mga bara sa daluyan nito na nagiging sanhi ng pagbabaha.

Lagi na lang nating problema ang baha ‘pag may ulan.

Sa tinagal-tagal ng panahon dapat ay alam na ng mga lider ng ating komunidad kung paano maampat ang problemang ito at paano masisiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan laban sa mga baha.

Pero gaya ng lagi kong sinasabi, ang mga tao rin sa komunidad ang makatutulong sa sarili nila.

May mga ahensiya ng gobyerno tulad ng TESDA na aktibo sa pagtuturo ng mga teknolohiya na para sa survival sa mga disaster.

Marami nang mga pag-aaral ang nailathala para maigiya ang mga tao sa dapat nilang gawin kapag may baha, kapag babaha at pagkatapos ng baha.

Ang partisipasyon nating lahat ay mahalaga para sa ikaliligtas ng bawat isa.

“Zero casualty” ang lagi nang target ng ating mga LGU leader, sana naman ay tulungan natin ang bawat isa para maabot natin ang target na ito.

***
Mag-email ng reaksyon sa ariel.inton@gmail.com o mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/LTFRB COMM. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>