Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PO3 VERSO, KOLEKTOR NI SUPT. TOLEJANO

$
0
0

TALAMAK talaga ang korapsyon sa Philippine National Police (PNP), ngunit hindi nagawang baguhin ng mga pinuno nito.

Paretiro na si Deputy Director Leonardo Espina, talamak pa rin ang korapsyon sa pambansang pulisya.

Hindi rin napatigil ni Interior and Local Governnment Secretary Mar Roxas ang korapsyon. Paano kung siya na ang Pangulo ng Pilipinas?

Isa sa mga opisyal na balitang-balita na kumikita at yumayaman habang nakaposisyon ay itong Supt. Genesis Tolejano, hepe ng Maritime Police Unit sa Navotas Fish Port.

Sumbong ng isa sa mga suki ng Remate na isang nagpapakilalang PO3 Verso ng Maritime Police Unit ang ipinangongolekta si Supt. Tolejano kada linggo.

Sa angas mangolekta nitong alyas PO3 Verso mula sa mga iligalidad sa nasasakupan ni Tolejano tulad ng putahan, droga, ‘paihi’ sa parking area ng port at dynamite fishing ay P100,000. – P150,000 ang naibibigay ni PO3 Verso kay Tolejano.

Ultimong mga vendor daw ay pinipiga ng nagdeklarang kolektor ni Tolejano matiyak lamang ang P100,000.00 – P150,000.00 parating kada linggo.

Ang tindi mo naman, Verso!

Alam ba ito ng pamilya mo?!

Napakalakas ng loob at napakaastig naman ng alyas Verso na ito para makakolekta ng napakalaking halaga sa mga iligalidad at sa mga vendor sa Navotas Fish Port.

Posibleng totoo nga ang sumbong sa atin na nangongolekta itong alyas PO3 Verso para kay Supt. Tolejano dahil mataas ang ranggo ng amo niya. Kung ang amo ni Verso ay parehas niyang PO3, tiyak hindi niya ito ipangongolekta ng P100,000 – P150,000 bawat linggo.

Totoo ba ito, Supt. Tolejano? Pakipaliwanag nga kay Chief Supt. Noel Vargas.

Si PO3 Verso ba ay si PO3 Antonio Verso? Pakilinaw nga kung bakit nangingikil ka. Hindi pala, kung totoong ipinangongolekta mo si Supt. Genesis Tolejano?

Kung totoo ito, bakit hindi alam ng hepe ng Maritime Police na si C/Supt. Noel Vargas?

Mahina ba ng intelligence unit ng tanggapan ni Vargas o nagbibingibingihan at nagbubulagbulagan lamang?

***
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271 o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>