TARANTADO sa ‘di lang tarantado kung sinoman ang mga organizer ng idinaos na ‘Buntis Congress’ sa Mimaropa Region dahil sa ilan sa mga miyembro ng media na nagkober sa DOH-Mimaropa ay winalanghiya ng ilan sa mga organizer ng naturang programa o event.
Sino ba naman ang matutuwa sa ginawang pangwawalanghiya nitong si Nilda Noceja sa mga kapatid natin sa hanapbuhay?
Biruin nyo, binigyan daw ng special treatment at inilagay sa mga magagandang hotel na may air-conditioned room ang lahat ng mga kalahok at kaisa sa aktibidad maliban sa mga kawawang kapatid natin sa media na sumama sa naturang event.
Ang siste pa nito, sa apat na araw na biyahe nila sa pagdarausan ng event sa Culion, Palawan ay nahalata na nila ang kakaibang pagtrato sa kanila ng mga organizer ng naturang event. Pumasok kasi ang mga taga-media sa isang magandang hotel doon ngunit nang makita sila ng mga ‘tang-inang’ mga organizer ay tinanong sila kung sila ba’y mga miyembro ng media.
Pero nang malaman na taga-media sila ay itinuro sa kanila ng animal na Nildang ito na mag-check-in sila sa lodging house na inilaan daw niya (Nilda) para sa mga media.
Ang masakit dito, ‘yung lodging house na inilaan sa kanila ni Nilda ay masahol pa sa kulungan ng mga baboy.
Eto pa ang masaklap. Napag-alaman ng mga taga-media ‘yung mga miyembro ng Commission on Population na dapat na tutuloy sa nasabing lodging house ay pinalipat sa magandang hotel.
Ang nakapapanayo pa ng balahibo, pati ‘yung mga utility workers ng DOH-MIMAROPA ay binigyan ng magandang akomodasyon.
Tingnan n’yo ‘yung kagaguhan pa nitong si Nilda. Lahat ng mga meryenda ay binitbit ni Nilda at ipinamahagi sa lahat ng mga kasapi sa event pero hindi binigyan ang media. Hindi ba’t isang gago’t kalahati ang mga ito, tang’na n’yo!
***
Anomang reklamo ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA