Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ABUSADONG SI CONSUNJI, DMCI

$
0
0

SINO ba itong si David M. Consunji at tila kinakaya-kaya na lang nito ang pamahalaan. Mula sa real estate at sa pangongontrata ng mga malalaking infra project ng gobyerno ay may interes din itong si Consunji sa pamamagitan ng kanyang kumpanyang DMCI Holdings sa mining.

Kung inyong matatandaan, itong DMCI ni Consunji rin ang nasa likod ng tinaguriang “Pambansang Photobomber” na Torre de Manila na dahilan ng hindi na kaaya-ayang kunan ng larawan ang bantayog ni pambansang bayani Gat Jose Rizal.

Hindi na ako magtataka kung sakaling muling maglabas ng desisyon ang Korte Suprema at babaligtarin nito ang nauna na nitong ipinalabas na Temporary Restraining Order para sa konstruksyon ng Torre de Manila.

Balita natin kasi ay ginagamitan na ng lakas nitong si Consunji ang ating hukuman upang mabalewala ang petisyon ng Knights of Rizal na tuluyan nang ipatigil ang pagtatayo sa Torre de Manila.

Maliban sa kahindik-hindik na Torre de Manila, may mga katarantaduhan din pala itong si Consunji maging sa lalawigan ng Zambales. Sa ilang beses nating pagdaan sa naturang lalawigan tuwing sumasali ang inyong lingkod sa paligsahan sa bisikleta, madalas kong napapansin ang sira-sirang kalsada sa bayan ng Sta. Cruz at sa katabi nitong bayan ng Candelaria.

Nagtataka rin ako sa napakaraming trak na dumaraan sa naturang mga bayan at iyon pala ay dahil sa napakalaking coal at nickle mining operation nito sa mga lugar. Habang naghihirap sa paglalakbay ang ating mga kababayan dahil sa kalsadang winawasak ng mga trak ni Consunji ay nagpapasasa pa ito sa likas na yaman ng Sta. Cruz at Candelaria. Aba, kay swerte ng tarantadong ito ano?

At ito pa ang matindi. Alam n’yo ba na nagpapatayo pa ngayon ang DMCI ng isang seaport sa bayan ng Sta. Cruz upang sa dagat na lang idaraan ang mga nakakamal nitong mga mina sa naturang lalawigan? Sa sobrang lakas nitong si Consunji, nabigyan pa ito ng awtorisasyon mula sa Philippine Ports Authority at Department of Environment and Natural Resources bagama’t kwestiyunable ang ginawa nitong pag-angkin sa mga lupain sa loob at paligid ng port.

Ang mas matindi pa nito, pinatag ng DMCI ang bundok sa gilid ng dagat upang malayang makaraan ang kanilang mga trak. Upang makalusot, idineklara ng DMCI na nasa ilalim ng tubig ang lupain nang sa ganoon ay malaya nitong gawin ang gusto nito.

Paano naman kaya nangyari na nasa ilalim ng tubig o “underwater” ang isang bundok aber? Hindi ba’t bawal ito, DENR?

Magkano kaya ang dahilan kung bakit tila nagbulag-bulagan ang ating pamahalaan sa mga ginagawang kabalbalan ni Consunji?

***
Para sa inyong mga sumbong ukol sa mga mali sa lipunan at tiwaling lingkod-bayan, mga komento at suhestyon, mag e-mail lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com. BIGWAS/GIL BUGAOISAN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Lagarto para colorear


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>