Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CONGRATS HOMER SAQUILAYAN SA PANSAMANTALANG SAYA

$
0
0

burdado- jun brionesBAKIT ang ating pagbati kay Homer Saquilayan ay para sa panandaliang kasiyahan lang? Naniniwala kasi tayo, parekoy, na ang ating bansa ay may mga batas na dapat sundin sa lahat ng isyu.

Maging sa election!

Kaya huwag po kayong ‘atat” Mr. Homer Saquilayan at aking ikukuwento ang detalye para naman hindi malito ang mga taga- Imus, Cavite kung ano ang tunay na nangyari sa halalan diyan sa Imus.

Sa resulta noong 2010 elections, iprinoklama ng Comelec na nanalo si “Saki” kaya siya umupong Mayor. Pero dahil sa mga hawak na ebidensya ng  pandaraya, sinunod ni Manny Maliksi ang batas, kaya dumulog ito sa Regional Trial Court kung saan matapos pag-aralan ng korte ang mga ebidensya ay napatunayan at idineklara si Manny Maliksi ang tunay na nanalong Mayor!

In short, pinaalis sa upuan si “Saki” at iniupo ang tunay na nana-long Mayor, si Manny.

Habang nakaupo na ang lehitimong Mayor na si Manny Maliksi, tumakbo naman sa Commission on Elections itong natalong si Homer Saquilayan.

Ayon kay Maliksi, may emisaryo sa kanila ang isang mataas na opisyal ng Comelec pero nang kanilang tinanggihan ay biglang naglabas ito ng desisyon pabor kay Saquilayan!

Dahil  nakaramdam nang may “milagrong” naganap, agad iniakyat ni Mayor Maliksi ang usapin sa Korte Suprema na kaagad namang nagpalabas ng Temporary Restraining Order para pigilin ang Comelec na iupo si Saquilayan.

Noong isang araw, naglabas ang Supreme Court “en banc”  ng desisyon (8 – 7) na inaalis na nila ang bisa ng TRO.

Uulitin ko, parekoy, hindi sinabi ng Supreme Court na nanalo si “Saki” kundi inaalis lang nila ang bisa ng TRO! Alam ng mga abogado na ang botong 8 pabor at 7 kontra sa lifting ng TRO ay napakanipis na agwat na kung mag-Motion for Re-consideration ay malaki ang tsansa na ma-reverse!

Bilang pagsunod sa proseso ng batas ay ito ang ginawa ni Mayor Manny Maliksi.

Na kung irerespeto rin ni Homer Saquilayan ang ating batas ay dapat niya munang hintayin ang SC na mag-rule with finality sa Motion for Reconsideration bago siya mag-claim ng panalo. ‘Yan parekoy ay kung hindi “atat” si Homer Saquilayan!

Dahil ‘yan ang batas!

‘Yan ang proseso at ‘yan parekoy ang totoong nangyari na dapat malaman ng mga taga-Imus City, Cavite!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>