Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BUO ANG RESPETO

$
0
0

SA mga nakalipas na panahon, sunod-sunod ang mga patayan sa Caloocan City dahil na rin sa kawalan ng pakialam ng mga nakaupo sa puwesto sa usapin ng kapayapaan at kaayusan.

Hindi lang opisyal ng pamahalaan, lokal o nasyunal, ang may security escorts o bodyguards na minsan ay tumatayong hitman na pumapatay sa sinomang kumalaban sa kanilang amo kundi maging ang mga matataas na kinatawan ng ilang sektor ng relihiyon.

May mga pagkakataong ang pinapaslang ay mga mismong opisyal ng barangay hindi lamang dahil sa away-pulitika kundi dahil na rin sa pagiging gahaman sa pera.

Karamihan ng mga kaso na sangkot ang mga may katungkulan, sa gobyerno man o simbahan, ay pawang nananatiling walang kalutasan sapagkat hindi mabigyan ng katarungan bunga ng takot ng mga alagad ng batas na tamaan ang kanilang puwesto at karera.

Pero biglang nagkaroon ng pagbabago ang Caloocan City hindi lang dahil sa pag- upo sa puwesto ni Mayor Oscar Malapitan na talaga namang naninindigan para sa kapayapaan at kaayusan ng Caloocan kundi talagang nais na maibsan ang paghihirap ng mga mamamayan.

Mas lalong naipatupad ang mga adhikain ni Malapitan sa tulong ng kanyang chief-of-police na si S/Supt. Bartolome Bustamante, miyembro ng Philippine Military Academy ’89.

Maganda ang leadership ni Bustamante at nagpapakita siya ng magandang ehemplo sa kanyang mga opisyal at tauhan ng mga ito.

Nakatutok o hands on si Bustamante sa pagpapatupad ng batas sa kanyang nasasakupan dahil ayaw na ayaw niyang mapahiya sa alkalde na ibinigay ang buong tiwala sa kanya.

Maraming bagong estilo para sa crime prevention and solution na itinuturo si Bustamante sa mga opisyal niya na mapakikinabangan naman talaga.

Sa hindi nakakaalam, si Bustamante ay nakilala sa Quezon City Police District kung saan sumikat ang mahuhusay na pulis na ang lumutas ng mga kasong napakalalim at misteryoso.

Magkagayunman, ayaw na ayaw ni Bustamante na dadayain ang datos o mga impormasyon hinggil sa pananatili ng kapayapaan at kaayusan na kanyang nasasakupan.

Ayon sa kasalukuyang COP ng Caloocan Police Station, kung ano lang ang kanilang kakayahan at gamit sa pananatili ng kapayapaan ay iyon lang ang kailangan nilang itala. Hindi, aniya, kailangang magsinungaling para lang magpapogi. Ang importante para kay Bustamante ay ligtas ang mga mamamayan sa iba’t ibang krimen o karahasan.

Kung kulang ang mga nakatalagang pulis sa isang lugar na mataas ang krimen, umiisip ng paraan si Bustamante, kasama ang mga  hepe ng kanyang Police Assistance Center, upang masolusyunan at patuloy na mapababa ang krimen sa kanyang lugar.

Kamakailan ay naglunsad ng programang makatutulong upang ma-monitor at mapababa ang krimen sa iba’t ibang barangay sa lungsod. Ito’y ang pagkakabit ng mga CCTV sa mga lugar na talamak ang krimen tulad ng nakawan at patayan.

Bantay-sarado ang mga Information Technology people ng Philippine National Police at CCPS upang masiguro na magiging matagumpay ang programa.

Sana’y maging tulad ng samahan nina Mayor Malapitan at Col. Bustamante ang iba pang lungsod sa Metro Manila na nagtutulungan upang sa ganoon ay maging matahimik at maayos ang buong paligid. Ang sikreto kasi nina Malapitan at Bustamante ay buo ang tiwala at respeto nila sa isa’t isa.

Samantala, panay naman ang panalangin nitong si Lilibeth Musni para sa kaligtasan ng kanyang anak na si Denise Musni at mga kasama nito na sina Tonee Hilario at Shiela Abayon na nagsasagawa ng pagtulong sa mga mahihirap sa Mindanao.

Sakripisyo ang ginagawa ng mga kabataang ito mula sa University of the Philippines sapagkat bukod sa malayo na sa pamilya ay mahirap pa ang komunikasyon sapagkat walang signal ang kanilang cellphones.

Okay girls, go on with your mission. Keep safe. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>