Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA OPISYAL NG BI WALA SA LUGAR

$
0
0

ISANG kontrobersya na naman ang tumama sa Bureau of Immigration noong isang linggo nang ibunyag ng isang babae na naiwan siya ng eroplano papuntang Singapore dahil umano sa mga hiningi ng mga opisyal ng Immigration na wala sa lugar.

Gamit ang Facebook account ay idinetalye ni Julianne Dee na dahil sa panayam na dapat sana abutin nang ilang minuto, ay napuwersa siyang manatili sa tanggapan ng Immigration sa airport nang isa at kalahating oras.

Pinaalalahanan ni Dee ang mga opisyal ng Immigration kada 10 – 20 minutong may hinahabol siyang eroplano, pero sinabihan lang daw siya na maghintay dahil hindi magtatagal ang panayam.

Sampung minuto bago umalis ang eroplano ay sinimulan ng opisyal ang panayam at ibinigay ni Dee ang mahahalagang dokumento.

Makalipas ang limang minuto ay hinanapan siya ng katibayan na ang pupuntahan niya sa Singapore ay kanyang kaanak, kaya ipinakita niya ang pasaporte, imbitasyon, Singapore ID at Philippine ID nito.

Isang taga-Cebu Pacific ang nagsabi kay Dee na sarado na ang pinto ng eroplano.

Sa madaling salita ay naiwan siya nito, pero hindi pa pala tapos ang opisyal at hinanap ang birth certificate ng kanyang lolo.

Nabigla si Dee dahil siya nga naman ang maglilibot sa Singapore pero hinahanapan siya ng birth certificate ng yumao niyang lolo.

Tinukoy niya sa Facebook post na ang hiling ng opisyal ay siguradong wala sa Immigration handbook. At sinomang turista ay hindi magdadala ng mga dokumento ng yumao niyang lolo sa kanyang pag-alis.

Sinubukan niyang mag-book ng isa pang flight pero sinabihan ng mga taga-Cebu Pacific na kailangang magbayad ng mas mataas na tiket.

Ang unang tiket na kanyang binili ay ibinasura dahil naiwan siya ng eroplano bunga nang panayam. Masisisi ba si Dee kung naramdaman nitong dinaya siya ng P9,000 dahil sa naganap?

Mukhang marami pa talagang kailangang plantsahin ang BI na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Justice. Anong nangyari, Justice Sec. Leila de Lima?

***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE ,JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES