Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WANTED: MATINONG PANGULO!

$
0
0

TILA nakontrata na nina VP Jojo Binay at Sec. Mar Roxas ang primetime hours ng  mga TV at radio, ganundin ang front pages ng print media.

Bakit kanyo? Aba’y sa nakaraang mga araw sila ang pangunahing laman ng tri media. At ang nakabandera ay ang kanilang bangayan. Kung dati’y ang mga alipores nila ang nagsisilbing tagapasalita sa isyu, ngayon ay sina Sec. Mar at VP Binay na ang mga starring.

Akusasyon after akusasyon ang kanilang mga ipinuputak sa isa’t isa.

Si Binay ay sabit umano sa iba’t ibang anomalya sa lungsod ng Makati, Boy Scouts of the Philippines, HLURDC at Pag-IBIG Office. Ang sabi naman ni VP, si SILG ay pasok daw sa mga maanomalyang programa tulad ng Disbursement Accelaration Program.

Kumbaga, batuhan sila ng putik, bagay na hindi na nakakatuwa, bagkus ay ikinakairita na ng mga nakakabasang sambayanan. Imbes na makabuluhang programa para kina Mang Juan at Aling Maria ang tinatalakay, ang inuungkat nila’y kanilang kalokohan.

Wari natin, sila’y nagdedebate na ang laman ng kanilang talakayan ay baho ng  bawa’t isa para makuha ang suporta ng bayan. Malayong-malayo tayo sa maraming bansa na ang sukatan ng balitaktakan ay serbisyong igagawad sa taumbayan kapag nagwaging Pangulo.

Sa ipinakikitang init ng ulo nina VP Binay at Sec. Mar, mukhang hindi pa matatapos ang batuhan nila ng ‘katiwalian’.

Kaya dapat maghanda sina Mang Juan at Aling Maria sa mga patusadahan pa ng umiinit na pulitika – starring Jojo at Mar.

Mapanonood pa natin silang na magbabangayan sa TV, radio at diyaryo na ang tema ng talakayan ay kanilang mga baho.

Kaya kung may ‘matinong’ Pinoy na kabaligtaran sa style nina Binay at Roxas, ito ang tamang pagkakataon para lumabas at magpakilala.

‘Yon bang kapag ibabalita sa TV, radyo at diyaryo ay programa at proyekto sa bayan ang nanggaling sa kanyang bunganga.

At kapag lumabas ang ‘presidentiable’ na ‘yan, tiyak na siya ang alternatibo ng mga Pinoy na kanilang Pangulo sa 2016.

Wanna bet! CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>