NGAYON ay bigyan-daan natin na mailathala sa espasyong ito ang tungkol sa ginawang pagnanarantado sa mga item na pinadala ni Lido Bermudez ng Malinao, Albay sa LBC, Liberty Commercial Center (LCC) sa Tabaco City, Albay.
Hindi ko lang alam kung gaano katotoo ang paratang ni Bermudez laban sa LBC-LCC Tabako Branch tungkol sa mga item na ipinadala niya sa LBC ay hindi raw nakarating sa dapat na pagdalhan nito.
Kung bakit ay basahin natin ang kanyang reklamo.
Dear Sir Johnny. Noong Dec. 16, 2014 nagpadala kami ng celfone w/ sim card, CD tape w/ case sa LBC LCC Tabaco City, Albay.
Ang sender ay si COP Arthur Gomez ng Malinao PNP papunta sa Anti-Crime Group (ACG) papuntang Camp Crame at ang may-ari ay si Judita Callos at ako si Lido Bermudez para makita kung sino at ano ang pakay ng nanakot saken na papatayin daw ako.
Noong Dec. 17, 2014 nga dinala na nga ng nasabing package sa Crame sa ACG pero tinangihan ang pakage kasi ‘yung naka-duty na pulis ay hindi regular kaya dinala ulit sa LBC North Delivery Team at pinending nila sa Custody nila.
After ng ilang linggo ay dinispose ang package ko dahil ‘di raw kinuha sa kanila pero wala akong nalaman.
Noong Mayo ko na lang nalaman nang tumawag ako sa ACG na nasa LBC Tabaco City Branch na dinala na sa foundation at hindi na raw nila ma-retrieve.
Pero ng nagreklamo ako sa main office nila sa Pasay City ay pinagpasapasahan lang nila ako.
Makatarungan ba, Sir Johnny, na ipamigay nila sa foundation ang mga bagay na aking pinadala sa kanila (LBC)?
BOOKIES NG STL SA STA. MARIA, LAGUNA
Walang takot ang operasyon ng bookies ng STL ni Jayson Cuento sa Sta. Maria, Laguna.
Sta. Maria Mayor Rocelle Carolino, may tongpats ka ba?
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

