Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KULELAT: ABOGADO, INHINYERO, DOKTOR

$
0
0

MAYROON bang magagawa ang K+12 para umangat-angat naman ang Pinas na lagi na lang kulelat sa QS world university ranking?

Tinatanong natin ito dahil sa mga survey sa mga unibersidad sa nakalipas na 10 taon, lagi na lang saling-pusa ang mahal kong Pinas samantalang sa mga graduation rite, eh, ipinangangalandakan ng guest speaker na world class na umano tayo.

Kung ano ang ibig-sabihin ng mga bolerong guest speaker, hindi natin gaanong masisid. Hehehe!

Heto, Pangulong Noynoy Aquino at Department of Education Sec. Armin Luistro, ang record ng Pinas sa QS world ranking ng mga unibersidad at pupwede ninyong pag-isipan.

MGA ABOGADO

Wala sa listahan ang Pinas sa top 200 law universities, colleges o schools sa taong 2014-2015

Ang China at Hong Kong, may siyam sila kaya may magagaling silang mga abogado.

Hindi kaya tayo matalo sa kaso sa West Philippine Sea sa United Nations tribunal dahil wala tayo sa listahan ng mga bansang may magagaling na abogado?

Nagkaroon naman tayo ng summa cum laude sa doctor of civil law pero sinipa sa impeachment dahil sa pagkakaroon nito ng tagong yaman.

Sinipa siya ng mga prosecutor-kongresman at judge-senator sa bisa ng suhol mula sa Malakanyang mula P10-milyon – P100-milyon bawat isa.

MGA INHINYERO

Tiningnan din natin ang bandila ng Pilipinas sa listahan ng bansang may magagaling na engineering schools.

Sa civil engineering, wala ang Pinas sa top 200 at ganito rin sa chemical engineering.

Hindi kaya ito ang may sala kung bakit madaling mawasak ang mga haybol, iskul at simbahan natin kung may lindol at madalas na pagkalason natin sa mga pagkain at pagkakaroon natin ng matinding polusyon?

Sa top 300 ng mechanical engineering, wala ang Pinas, pero nakapagtatakang grabe ang trapik sa ating mga lansangan sa rami ng mga sasakyan.

Oo nga pala, panay imported pala ang mga sasakyan natin at nakararami sa mga ito ang galing sa mga junkshop, kasama na ang mga makina na binabasura ng iba ngunit kinakalkal at ini-import natin bilang brand new kuno.

Kasama na rito ang mga lumilipad na kabaong na helikopter at eroplano ng mga militar at pulis at mga barko ng Philippine Navy.

COMPUTER SCIENCE

Tiningnan natin sa listahan ang Pinas sa hanay ng mga computer scientist.

Anak ng tokwa, inabot na tayo sa ika-400, wala pa rin ang Pinas.

Anong nangyari? ‘Di ba text capital ang Pinas dahil sa cellphone na maituturing na bahagi ng computer science? Ah, wala palang pambili ng load kaya hanggang text lang tayo.

Ang mga computer natin? Gamit lang sa games na kinalolokohan ng mga bata hanggang ma-addict ang mga ito at hindi na makapag-aral at hihinto sa schooling?

Ah, computer scientist pala ang mga nagpapalaganap ng mga online na sugal at cybersex at diyan tayo magaling sa computer at kapag nabuwisit tayo, nagha-hack na lang?

MGA DOKTOR

Ooops! Aba, good news sa mga doktor!

Nasa listahan ang University of the Philippines sa bracket na 251-300 at no. 45 tayo mula sa 251.

Nak ng tokwa, ito ba ang dahilan kung bakit nagsasara tayo ng ospital o ‘di tumatanggap ng mga nababalitaang may dala-dalang ebola o Middle East Respiratory Syndrome-coronavirus?

Paano ang reklamo ng mga pulis na inuunahan sila ng mga doktor na kumontak ng mga punerarya sa mga nadededo sa mga ospital?

Ah number one pala ang ating mga doktor sa pagrereseta at ahente ng mga gamot na gawa ng mga multinational na pabrika ng gamot dahil sa malaking komisyon dito.

At kung mahirap ka na ngangailangan ng operasyon, sa susunod na taon na lang may time ang mga doctor sa iyo.

‘Yun bang === naunahan na sila ng mga punerarya.

Pero ‘pag may pera ka, aba, nag-aagawan ang mga ispesyalista at kumpol ang mga ito na mag-aasikaso sa iyo.

Sisiw ang P80,000 singil ng ispesyalistang doctor sa operasyon sa kumplikadong ugat, puso, kidney at iba pa.

PANG-TSIBUG

Ooops, kasali pala ang Pinas sa top 200 sa agrikultura at pang-44 sa bracket na pang-151-200.

Tanong lang: ito ba ang dahilan kung bakit pinakamalaking importer tayo ng bigas sa buong mundo sa kabila ng napakataba nating mga palayan?

Department of Agriculture Sec. Proceso Alcala, sagot!

TOP 85 SA KORAPSYON

Sa rekord naman ng Transparency International, masama rin.

Sabi ng TI, poor ang rating natin na pang-85 sa 175 na bansa. At ang poor rating ay palatandaan ng malawakang suhulan, kawalan ng parusa sa mga korap at pagiging manhid sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Hoy, mga korap na, manhid pa, lumayas na kayo sa gobyerno.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>