Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PALUSOT NG DMCI SA TORRE DE MANILA

$
0
0

ANG tigas din talaga ng mukha nitong si David Consunji na pinuno ng kumpanyang nambaboy sa bantayog ng ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal. Aba’y mantakin niyo, eh, ginagawan pa nito ng palusot ang kanilang katarantaduhan at ipinipilit na hindi naman umano nakasisira sa bantayog ni Rizal ang kanilang itinayong Torre de Manila na tinaguriang “Pambansang Photobomber ng Pilipinas.”

Ganyan na lang ba kadali ang pambababoy sa ating bayan nitong mga walanghiyang negosyante na gaya nitong si Consunji? Napakabobo na ba talaga ang tingin ng mga ito sa atin kaya walang pakundangan kung yurakan nila ang dignidad ng ating kasaysayan? Pagkatapos nito, sabihin pang ito’y nakabubuti para sa bayan?

Kung anu-anong gimik ngayon ng mga propagandista ng kumpanyang DMCI ni Consunji upang palabasin na hindi sagabal ang kanilang itinayong Torre de Manila.

Andyan na naglalagak sila ng mga larawan na kung saan maaari naman umanong kulayan ng parang bandila ng Pilipinas ang kanilang gusali upang mas lalong gumanda ang background ng bantayog ni Rizal. Andiyan din ang kanilang mga amuyong na nagsasabing ang pagtatayo ng Torre de Manila at iba pang mga gusali sa likod ng bantayog ni Rizal ay magandang simbolo ng pag-unlad!

Eh, mga gunggong pala kayo. Sa mga bansang mauunlad, lalong-lalo na sa Europa, mahigpit nilang pinangangalagaan ang mga gusali at bantayog ng kanilang mayaman na kasaysayan. Ang kanilang mga skycraper ay mga modernong gusali ay nakalagay sa tamang lugar at hindi nagiging balakid sa mga simbolo ng kanilang nakalipas.
Aba’y magpapalusot pa kayo, ha. Bolahin niyo ang lelang niyo.

Sana nga lang ay hindi pa abot ng galamay nitong Consunji ang ating Korte Suprema dahil alang duda na nakompromiso na ang napakarami sa mga opisyal ng ating pamahalaan. Ang DMCI ngayon ang pinakamalaking kontraktor ng mga proyekto ng pamahalaan at itong si Consunji ang lumalabas ngayon na pinakamaimpluwensiyang negosyante sa ilalim ni PNoy. Walang kaduda-duda na tanging Korte Suprema ang natitira nating sandigan laban sa demonyong gaya ni Consunji.

Sana rin ay patuloy na manindigan ang mga kababayan nating nagtatanggol sa natitira pa nating dangal bilang isang bayan. Patuloy nating babantayan ang isyung ito at hindi natin ito titigilan hangga’t nakatayo pa ang photobomber ni Rizal.

***
Para sa inyong mga sumbong tungkol sa mga mali sa lipunan at mga tiwaling lingkod-bayan, mga komento at suhestiyon, mag e-mail lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com. BIGWAS/GIL BUGAOISAN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>