Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HINAHANAP KITA

$
0
0

BILANG opisyal ng pamahalaan na naatasang mangalaga sa kapakanan ng mga mananakay o pasahero ng pampublikong sasakyan, una ako sa mga nasasaktan kapag nakababalita ng mga masasamang nangyayari sa ating mga kababayan samantalang nasa mga pampublikong sasakyan sila.

Ang pinakahuling masamang balita na aking nalaman mula sa mga TV at sa Facebook ay ang kwento ni Nerisa Catan at kanyang anak na 3-taong gulang na ninakawan ng taxi driver na kanilang sinakyan.

Galing sa probinsiya si Nerisa at ang kanyang anak at nagpunta lamang sa Manila para maipagamot ang bata.

Una’y sinubukang kotongan ng taxi driver si Nerisa sa pamamagitan ng pagsingil ng mataas na pamasahe, pero sa huli ay para raw nagbuga ng nakahihilong amoy ang taxi at nahilo ang mga pasahero, pilit silang bumaba ng taxi at nakatakas na nga ang kriminal dala ang lahat ng gamit at pera ni Nerisa na pampagamot sa kanyang anak.

Una, nais kong sabihin na hinahanap ko si Nerisa, dahil gusto ko siyang mabigyan ng tulong pinansyal para sa kanyang anak. At iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nangyaring krimen.

Pero nais ko ring itutok ang atensyon ng mamamayan sa punto na kolorum ang nasabing taxi.

Ito ang isang sakit na pilit ginagamot ng mga ahensya ng gobyerno, ang pagsugpo sa mga kolorum na taxi. At nanghihingi kami ng suporta sa kampanya laban sa kolorum na taxi.

Nais din nating bigyan ng pagpupugay ang taxi driver na tumigil para tulungan si Nerisa, kahit may pasahero ang driver ay  huminto siya at dinala ang mag-ina sa malapit na police station.

Hindi lahat ng taxi driver ay may masamang loob, mas marami ang malilinis ang puso at maayos na naghahanap-buhay sa pamamagitan ng pagbibigay serbisyo.

Nananawagan ako sa ating mga kababayan, tulungan natin na mailigtas ang lahat laban sa mga ganitong krimen.

Halimbawa, huwag sumakay ng taxi kapag walang LTO-issued ID ang driver na naka-display at kung nagbibyahe mag-isa, i-text ang plate number ng taxi sa kakilala o kapamilya.

Tulong-tulong tayo na masugpo ang modus na ito dahil kawawa rin ang mga taxi driver na maayos naman na naghahanap-buhay para sa kanilang pamilya.

o0o
Mag-email ng reaksyon sa ariel.inton@gmail.com o mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/LTFRB COMM. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>