HANGGANG ngayon ay hindi pa rin napatitigil ng kapulisan ng Batangas ang mga iligal na pasugalan ni Barangay Kapitan Domeng Macuha ng Purok 1, Bgy. Bolbok, Lipa City, Batangas.
Tila nakapiring ang mga mata nina mayor, regional director, provincial director at hepe sa lantarang operasyon ng mga iligal na pasugalan ni Kap. Domeng gaya ng sakla, cara y cruz at ang color games na malakas na makahatak sa mga kabataan.
Simula tanghali kung magsimula ang operasyon ng mga pasugalan ni Kap. Domeng na kung saan ay libo-libo ang tayaan sa araw-araw na operasyon nito.
Dati-rati’y malakasan ang patupada rito ni Kap. Domeng pero nang ni-raid noong June 19, 2015 ng mga Task Force Ikot (TFI) ni Region-4A RD Gen. Richard Albano ay pansamantalang ipinalit ang mga iligal na pasugalang ito.
Ang pinagtatakahan ko lang ay bakit muli na namang namayagpag ang mga pasugalan ni kapitan sa LIpa City?
Magkano kaya ang ibinibigay na timbre ni kapitan kay Lipa City chief-of-police Supt. Carlos Barde?
MAY SUHOL NGA BA SI MAYOR MARTINEZ?
Wala pa ring aksyon si Pakil, Laguna Mayor Vipops Martinez laban sa pamamayagpag ng bookies ng STL ni alyas Caloy sa bayan.
Ano kaya ang dahilan kung bakit nananatiling namamayagpag ang operasyon ng bookies ni Caloy sa nasabing bayan?
Hindi ko sinasabi na malaki ang ibinibigay na ‘tongpats’ ni Caloy kay Mayor Vipops para mapanatili ang bookies nito.
Maging si Laguna PD Supt. Florendo Saligao ay walang ginagawa simula nang maging PD ito.
E paano makapag-uutos si kernel kung panay ang pakolekta nito sa mga kolektong niyang sina Sgt. Greg at PO2 Joseph Natividad.
Ganyan sa Laguna!
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
