Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TAKBO PARA SA MARIKINA WATERSHED

$
0
0

ANDIRITO na ang tag-ulan. Narito na naman ang banta ng mga habagat.

Nitong nakaraang mga taon, ang pinakamalubhang pagbabaha ay hindi gawa ng matitinding bagyo. Ang Ondoy noong 2009 ay mahinang bagyo kung tutuusin. Ang hindi natin alam ay matinding ulan pala ang dala ng mga ulap nito.

Anim na oras na walang tigil ang napakatinding ulan na nagbuhos ng ulan na pang-isang buwan. Torrential rains kung tawagin. Pinakagrabeng pagbabaha. 23 meters above sea level ang water level ng Marikina noong Setyembre 26, 2009.

Ito’y nasundan ng Habagat 2012 na may lalim na 21.5 meters above sea level at Habagat 2012 na 19.9 meters above sea level.

Hindi naman kataka-taka kung bakit ito’y nasundan. Eh, wala naman talagang ginawa ang ating gobyerno para ito ay masolusyonan. May massive tree planting ba? May substantial dredging ba ng mga ilog?

Kaya kami sa Marikina, ginagawa namin kung ano ang pwede naming gawin. Isa na riyan ang pagtatanim sa Marikina Watershed na siyang pinanggagalingan ng baha. Ngunit, kakapiranggot po ito kung ikukumpara sa sinasabi ng DENR na 28-milyong puno ang dapat nakatanim sa mahigit 26,000 hektarya ng Marikina watershed para ito’y epektibo sa pagsipsip ng tubig ulan.

Kaya kailangan namin ang tulong ng bawat Pilipino. Andito man sa Pilipinas, o nasa abroad.

Tulungan n’yo po kaming malaman ng publiko ang TAKBO PARA SA MARIKINA WATERSHED, isang fund-raising fun run, para makalikom kami ng walong-milyong piso (Php 8-milyon) para sa tree-planting activities para sa 100,000 puno sa Baras, Rizal.

Paki-share po sa inyong mga kaibigan … tapos, bahala na po ang Diyos na hipuin ang mga nakaalam para sila’y kumilos para sa Marikina Watershed.

Malaking tulong na po iyon.

Ngunit, meron pong apat na paraan pa para makatulong:

1. Mag-register, magbayad ng Php 600 fee at tumakbo sa Sept. 20;

2. Kung race kit/singlet lang ang gusto, at walang balak tumakbo. Basta magrehistro lang at magbayad ng Php 600;

3. Outright donation of any amount. Para sa mga nasa malayong lugar — sa Pilipinas man o sa abroad;

4. Sumama sa tree-planting sa Sept. 20 at Sept. 26.

Noong Ondoy 2009, 10% lang ang forest cover ng ating watershed. Marami-rami pa ang kailangang maitanim.

Tandaan po nating ang buong Metro Manila ang apektado sa pagbabaha ng run-off water galing sa Marikina Watershed.

Tama po, buong Metro Manila!

Kaya kailangan namin ng tulong ninyo.

Samahan n’yo po kaming kumilos para sa Marikina Watershed! Salamat po. ABISO/PAUL EDWARD P. SISON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>