Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANG ALAALA NI PEPE

$
0
0

PINAGTAWANAN ng marami ang mungkahi ng isang Congressman na imbes gibain ang Torre de Manila ay ikutin na lang ang monumento ni Rizal para humarap ang bantayog sa mga tao.

Ang daming tinanggap na batikos ng mambabatas, may pangungutya pa.

Mahirap para sa isang politiko ang maglabas ng opinyon, lalo kapag alam na agad na maraming tutol sa nasabing opinyon.

Napakadali para sa tao ang manghusga ng isang politiko.

Pero nabasa ko ang artikulo na sumubok namang himayin at pag-aralan ang mungkahi ng mambabatas.

Pinag-aralan naman ng mambabatas ang kanyang posisyon bago niya inilabas ang kanyang opinyon tungkol sa mungkahing i-adjust ang monumento ni Rizal.

Pero may nauna na sa akin sa suggestion na ito.

Noong unang lumabas ang isyu ng Torre de Manila bilang “pambansang photobomber”, isa sa mga staff ko ang nag-suggest na iikot na nga lang daw ang monumento.

Dating tour guide ang staff at kaibigan kong si Rey Morales. Sabi n’ya, isa sa highlight ng tour sa Luneta ay ang picture-taking sa harap ng bantayog ni Rizal.

Hindi na nga naman magandang photo opportunity ang monumento ni Rizal dahil sa mataas na DMCI building na makukuha sa picture.

Pero sabi ni Rey pwede naman win-win para sa lahat.

Ayon pa kay Rey, hindi ba noong binaril si Rizal ay pumihit siya para harapin ang mga executioner at salubungin ang bala. Bakit daw hindi muling ipihit si Rizal para sa kanyang ikalawang pag-ikot.

Sa ganitong paraan, muling magiging magandang photo-taking site ang monumento dahil hindi na tatamaan ang Torre sa picture ang magandang sunset na ang background kung sa Taft nakaharap si Rizal.

At ang magiging partisipasyon ng DMCI ay gastusan ang pag-develop at pagpa-improve ng Luneta bilang National Park.

Noo’y isa ang Luneta sa pinakasikat na parke sa Asya pero napag-iwanan na ng panahon.

Bakit hindi ang DMCI ang magpondo para maipaayos ang monumento ni Jose Rizal at ang pagpapagawa ng buong Luneta?

Maaaring para sa ikabubuti ng Luneta ay pumayag ang ala-ala ni Pepe na ipihit siyang muli, sa ikalawang pagkakataon, kung para sa kanyang mahal na bayan.

***
Mag-email sa ariel.inton@gmail.com o mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/LTFRB COMM. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES