Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HERE WE GO AGAIN

$
0
0

HALOS anim na taon na mula nang bahain ang Kalakhang Maynila ng bagyong Ondoy.

Maraming binanggit ang pamahalaan na dapat gawin para hindi na ito maulit. Ang tanong … may nagawa na ba?

Kesyo, dapat daw alisin ang mga illegal settler sa kahabaan ng Manggahan Floodway sa Pasig, kailangan daw alagaan ang kabundukan ng Rizal na nagsisilbing watershed ng Marikina River, dredging ng mga ilog para lumalim ito muli at mas maraming tubig ang ma-accommodate, etsetera, etsetera, etsetera!

Kayo na kaya, kaka, ang sumagot. May nagawa na ba?

Mantakin mo, ilang araw pagkatapos mamerwisyo ni Ondoy ay frontpage pa ng Philippine Daily Inquirer ang aerial shot ng Manggahan Floodway at kitang-kita roon ang mga kabahayan sa floodway sakop ang halos 1/4 ng magkabilang pampang ng daluyan ng tubig! Kaya naman pala nag-iimbudo ang baha palabas ng Rosario weir ng Marikina River.

Ang tanong … nalipat na ba ang mga naninirahan sa floodway o nandoon pa?!

‘Yung kalbong kabundukan ng Montalban, San Mateo, Antipolo, Baras at Tanay ang tinatawag na Upper Marikina Watershed Protected Landscape.

May National Greening Program dapat ang DENR para taniman ang ating mga kabundukan ng milyon-milyong puno para makatulong sa pagbawas ng tubig-ulan na babaha sa Marikina at karatig pook. Ano ang findings ng COA?

Palpak daw ang NGP at hindi nito nagampanan ang misyon nito. Sa madaling salita, manipis pa rin ang ating forest cover.

Maniwala ba kayo, noong Ondoy ay 10% forest cover na lang ang Marikina Watershed? 2012 yata iyon nang ibinida ng Malakanyang na tapos na ang dredging ng Pasig River, mula Manila Bay hanggang sa Napindan. Paano nangyari ‘yon, eh, wala namang nakikita ang publiko na nagde-dredge riyan?

Sa Marikina River, may naganap na ba na paghuhukay para tanggalin ang mga namuong burak galing sa itaas? Nakayod na ba ang ilalim ng ilog para lumalim ito hanggang sa river bed nito?

Ang tanong … bakit tila usad-pagong tayo sa pagkilos para aksyunan ang mga solusyon para ‘di na maulit ang malawakang pagbabaha tulad ng Ondoy? Bakit walang sense of urgency?

Narito na naman ang tag-ulan. Andiyan na naman ang habagat. Ang tanong … may nagawa na ba? Wala! Wala! Wala! ABISO/PAUL EDWARD P. SISON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>