Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAGYONG EGAY AT ANG BITAY

$
0
0

KUMBAGA sa Facebook, ni-‘like’ ni Egay ang mahal kong Pinas at nagmukhang bantulot pang umalis palabas ng bansa.

Akalain ba nating pitong kilometro lang kada oras ang lakad nito palabas hanggang Huwebes at habang hinahagupit nito ng signal no. 2 ang northern Luzon.

At masamang balita, may susunod na bagyo paglabas ni Egay sa Pinas.

MAPAMINSALA

Sa record ng mga bagyo, mga Bro, mula 1964 – 1974, milyones na piso lang ang halaga ng mga napipinsalang ari-arian ng mga mamamayan at ng pamahalaan.

Pero magmula sa 1975, bilyones na.

Sina Ondoy at Pepeng sa Luzon ay nag-iwan ng pinsalang nasa P160-bilyon, pwera pa ang nasa 1,000 patay.

Si Yolanda, nasa P90B ang iniwang pinsala sa Visayas, bukod sa mahigit sa 6,300 patay samantalang nanira raman si Pablo sa Mindanao ng nasa P75B, bukod pa sa 2,000 patay.

Noong 1991, pumatay sa Kabisayaan ang bagyong Uring 7,300 at nag-iwan ng nasa P20B pinsala sa ari-arian.

REHAB NG GOBYERNO

Ewan natin kung ano-ano na ang mga rehabilitasyon o pagbabalik sa dating buhay ng mga mamamayan ang inihahanda ng gobyerno kaugnay ng bagyong Egay.

Ang pinakaklaro sa lahat ng rehabilitation fund ay ukol sa Yolanda, P200-bilyon.

Siyempre pa, may rehabilitation fund din para sa mga biktima nina Pablo, Uring, Ondoy, Pepeng at iba pa.

Ang tanong lang: “naramdaman ba ito ng mga mamamayan?”

Sa Yolanda, muntik na lantakan ng mga korap ang P200B kung ‘di umangal si Ping Lacson.

PONDO DAGDAGAN

Dahil sa mga grabeng pinsala natin sa mga bagyo, mungkahi nating itaas mula sa 5 porsyento ng taunang badyet ng mga lokal at pambansang pamahalaan ang pondong pangkalamidad.

Karanasan nang sa una pa lang na sipa ng bagyo, nauubos kaagad ang mga pondong pangkalamidad ng mga local na pamahalaan.

Eh, ilang bagyo ang tumatama sa bansa sa loob ng isang taon?

Ubos-ubos ang calamity fund ng mga barangay, lungsod, munisipyo, lalawigan at pati ang sa Malakanyang.

Tanging sa Presidential Social Fund at iba pang kontrol ng Pangulo ang nagiging pag-asa na kinukulang pa sa rami ng mga korap at mandarambong na lumalamon dito.

PAMANA NI PNOY

Kung gusto talaga ni PNoy na magkaroon ng magandang pamana, itulak nito ang panukalang dagdag-pondo laban sa kalamidad. At kambalan ito ng parusang bitay sa mga korap at mandarambong dito.

Dapat na mabilis ang paglilitis sa mga korap at mandarambong dito at pagkatapos na ma-convict ang mga anak ng tipaklong na ito, lasunin o i-firing squad sila saka ipaanod sa baha o ipalibing sa landslide ang bangkay ng mga ito.

Pero dapat isama ang mga kaalyado ni PNoy sa mga mabibitay, hindi lang ang kanilang mga kalaban sa pulitika.

***
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>