Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

3 MARIA, LIBERAL PARTY AT SI PNOY

$
0
0

NAKASENTRO ang atensyon ngayon laban sa korapsyon at pandarambong kina Pangulong Noynoy at ang tatlong kababaihan.

Kinabibilangan ng tatlong kababaihan sina Ombudsman Conchita Carpio-Morales, Department of Justice Leila de Lima at Senator Grace Poe.

1 MARIA DUDA SA 1 MARIA

Si Senator Grace Poe ay duda sa desisyon ni Morales sa paglibre sa kasong korapsyon kay Transportation Sec. Joseph Abaya.

Nakadududa rin umano ang isinampang kasong korapsyon sa halip na pandarambong dahil mahigit umanong P50-milyon ang kontratang pinag-ugatan ng problema.

Nag-ugat ang kaso sa pagkuha ng MRT-3 bilang maintenance contractor sa Philippine Trans Rail Management and Services Corp.

Sabi ni Morales, walang bidding o pasubasta na isinagawa ng management ng MRT-3 na noo’y pinamunuan ni MRT-3 boss Al Vitangcol III at bawal ito sa batas.

Parehong pumirma sina Vitangcol at Abaya sa kontrata. Pero nang magdesisyon si Morales, anak ng tokwa, si Vitangcol at mga kasamahan lang nito ang idiniin ni Morales.

DAHIL BATANG PNOY, LP BOSS

“Anyare?” tanong ng buwisit nating uzi.

Dahil ba kasama si Abaya sa tatlong hari sa Liberal Party?

Sa rekord, acting president si Abaya ng LP, si PNoy ang chairman at si Drilon ang Vice Chairman.

IMPEACH ME

Atapang na babae si Morales sa kaso ni Junjun Binay na bumaba sa puwesto bilang mayor ng Makati City sa utos ng una dahil umano sa katiwalian.

Sabi niya, “Impeach me!” kay Binay nang inakusahan ito ng selective justice at tanging ang mga nasa oposisyon lang umano ang kaya nitong yariin sa mga kaso.

Ngayong binabato si Morales sa ginawa nito kay Abaya sa MRT-3 iskam, nakapagtatakang hindi ito naghahamon ng “Impeach me!” Hehe!

3RD BATCH

Antay nang antay naman ang taumbayan ng kasong isasampa ni De Lima sa ilang senador, kongresman at taga-Malakanyang pa yata, kaugnay ng iskam ni Janet Napoles.

Ilang linggo na rin ang nakalipas nang sabihin ni De Lima na isasampa na niya ang kaso pero hanggang ngayon, nganga ang taumbayan dito.

“Anyare ba, Sec. De Lima?”

UMUUSOK DIN KINA BINAY

Gaya ni Morales, umuusok din ang ilong ni De Lima nang magkapaluan ang mga pulis at suporter ng mag-amang Vice President Jojo Binay at Mayor Junjun.

Iimbestigahan daw nito ang pamamalo ng mga suporter ng mga Binay at posibleng direktang kinalaman ng mag-ama rito.

Pero paano kung didiinan ni De Lima ang mga Binay pero tahimik ito sa 3rd Batch?

Kabilang sa mga nasa 3rd Batch kasi ay mga magiging kapartido ni De Lima kung sakaling tatakbo ito bilang senador sa 2016 na hindi naman nito itinatanggi.

Tsk! Tsk! Tsk!

TAGUMPAY ANG TUWID NA DAAN

Nagkakaisa ang mga taga-Malakanyang at mga taga-Liberal na naipakikita nila sa madla na wala silang sinisino sa laban sa korapsyon at pandarambong.

Ito’y sa bisa ng pagpapakulong kay Aling Gloria na dating Pangulo ng mahal kong Pinas.

Napabagsak din nila si Chief Justice Renato Corona, si Manong Johnny, si Jinggoy at si Bong.

At ngayon, tuluyan nilang ginigiba si Binay na Bise-Presidente naman.

Kumpleto rekado.

PNOY AT KAALYADO

Ang hindi lang maipagmamalaki nina PNoy at ang Liberal Party ay ang pananatili nila sa puwesto sa gitna ng kabulukan ngayon sa gobyerno.

Ito’y sa kabila ng paglabas ng katotohanang higit na nababoy ang taunang Priority Development Assistance Fund at Disbursement Acceleration Fund na parehong salaping-bayan.

Ang daming umaalingasaw na bilyon-bilyong kontrata o paggamit sa PDAF at DAP na sangkot ang mga magkakaalyado, kasama na ang P500B pondo para sa Public-Private Partnership pero walang nadedemanda at nakukulong sa mga ito.

Higit na mas malalaki ang mga nakawan dito at sisiw lang ang mga kinasasangkutan ng kanilang mga kalaban sa pulitika.

Tuwid na Daan?

***
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>