KUNG magagawi naman kayo sa area ng Parola Compound sa Delpan, Tondo, Manila, sa gate pa lamang ay mabubungaran na ninyo ang nakakalat na kulay asul na mga makina (vk) nitong si Charito na mas lalong kilala sa tawag na Chat.
Halos naikalat na ni Chat ang mga makina nito sa buong sakop ng MPD-Presinto 11 at Presinto 2.
Matindi itong si Chat dahil wala siyang ipinangangahas kundi ang kanyang kamag-anak na si Larry Fuentes na isang kagawad daw ng barangay sa Bgy. 20.
Si Kag. Fuentes umano ang siyang nagsisilbing protektor ni Charito alyas Chat kaya malakas ang loob nito kahit sandamukal ang mga vk nito sa Tondo, Manila.
Wala raw ginagawa ang kapulisan ng MPD dahil sa nakatimbre sa mga ito ang mga video-karera ni Charito.
Aba, hindi papayagan ‘yan ni MPD District Director Gen. Rolando Nana.
Heneral, pakihuli nga sa mga tauhan ninyo ang mga makina (vk) ni Charito na, bukod sa sentro ng sugalan ay nagiging sentro rin ng pakikipagtalik ng mga drug addict kay Sharon (shabu).
SI HEPE RAW ANG PROTECTOR
Sa Batangas naman, walang tigil kahit sa kasagsagan ng bagyong si Egay ang pagpapatupada nina Kap. Dante Mapalad at Kap. Ogie sa Bgy. Sampaga, Balayan.
Aba, patuloy kasing nagbubulag-bulagan ang hepe ng pulis ng Balayan na si Capt. Ronnie Golfo.
Bakit hindi magbubulag-bulagan si Capt. Golfo, e, ang balita ko nga ay malaki raw ang ‘timbre’ niya sa patupadahan ng mga iyan.
Ewan ko lang kung gaano katotoo ang balita na mismong si hepe ang protector ng nasabing sabungan.
Kaya hindi niya ginagalaw ito kahit iligal ang sabungan ng dalawa.
o0o
Anomang reklamo puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
