Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAHA, KABI-KABILA PA RIN

$
0
0

LINTEK pa rin ang traffic sa Metro Manila.

Bukod sa mga walang disiplinang tsuper at nakahambalang na sidewalk vendor, isinisisi ang masikip na daloy ng mga sasakyan sa kabi-kabilang road project o repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nariyan din ang walang habas na pagbubutas ng kalsada ng mga nagkukumpuni ng tubo ng tubig.

‘Yung bagong repeyr na kalye ng DPWH, ilang araw lang ay babakbakin na naman ng mga taga-Metropolitan Waterworks and Sewerage System dahil may kailangan ding kumpunihing tubo para sa kanilang mga kliyente.

Kumbaga, wala nang katapusan ang pagbubutas ng mga kalsada kaya ang naaapektuhan ay ang mga motorista.

Ayon sa DPWH, pagtiisan daw muna ng taumbayan ang kanilang mga ginagawang road project dahil para naman ito sa kapakanan ng lahat, partikular ang pagkukumpuni ng drainage para hindi na magbaha.

Okey good, ‘ika nga ni pareng Marvin Torres, ang aming layout artist dito sa REMATE.

Pero bakit sa kabila ng maraming kinukumpuning kalsada at ginagawang drainage, e, patuloy pa rin ang kabi-kabilang baha sa Metro Manila?

Kahit saan ka magsuot, masusuong ka sa hindi man lagpas-taong tubig ay abot sa tuhod na mala-dagat na baha.

Hindi kaya tama ang naging puna ni Metro Manila Development Authority chairman Francis Tolentino na kaya mayroon pa ring baha ay dahil sa kapabayaan ng mga kontraktor ng DPWH.

Ayon kay Tolentino, masyadong makupad ang pagsasaayos ng mga kalsada ng DPWH kaya inabutan na ng tag-ugalan.

At heto pa.

Masyado raw kasing burara ang mga gumagawa ng kalsada kaya ang mga mismong hinukay na lupa at mga bato ang nakababara sa mga daluyan ng tubig.

Sayang naman pala ang milyon-milyong pondong ibinubuhos sa road projects kung hindi rin naman pala ito nakalulutas sa problema ng Metro Manila sa baha.

Anak ng kamote naman kayo! KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>