Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WALA PA RAW MANOK SI PNOY

$
0
0

INUUNGGOY na naman nitong si PNoy ang taumbayan matapos ihayag ng kanyang kampo na wala pa raw siyang mamanukin na kandidato upang pumalit sa kanyang trono.

Mayroon na! Bago pa man magsimula ang kampanyahan noong Elections 2010 ay mayroon nang manok itong si PNoy sa katauhan ni DILG Sec. Mar Roxas na nagparaya matapos matigok si Tita Cory.

Buo na lahat ang plano noon para kay Roxas kaya lang ay biglang umugong ang pangalan ni PNoy dahil sa nangyari kay Tita Cory kaya niligawan noon si Roxas na umatras sa laban.

Naging panggulo, este, pangulo si Noynoy habang talunan naman si Roxas laban kay VP Jejomar Binay na ngayo’y tinusta na nang husto dahil sa isyu ng pandarambong.

Ipinangako na ang basbas ni PNoy kay Roxas may limang taon na ang nakalipas. Subalit marami na ang nagbago sa pananaw ng tao… mabango noon si PNoy pero ngayon ay isinusuka na ng taumbayan.

Ano ang mananaig sa kokote ni PNoy, ang pangako sa taong nagparaya sa kanya noong Elections 2010 o ang banta na siya’y dadamputin sa kangkungan matapos ang kanyang termino?

Kapag pangako kay Roxas ang susundin ni PNoy, malaman sa hindi, talo ang resulta. Siyempre, oposisyon ang mananaig kaya tiyak na kulong ang aabutin ni PNoy.

Wala na rin bisa ang agimat ni PNoy kay Binay dahil tustado na nga nang husto kaya ang naiiwan na lang ay itong Sen. Grace Poe na nangunguna sa lahat ng lumabas na survey.

Mayroon nang manok si PNoy kaya lamang ay nagbabalak pa rin itong gumawa ng mabuting argumento sa loob ng kanyang partido upang bigyan ng katwiran ang pagbitiw niya sa pangako kay Roxas.

Kapag ‘di nagbago ang kartada ni Roxas sa survey ay tiyak na mapipilitan itong si PNoy na magpalit ng kanyang mamanukin kahit na naipangako na niya ito upang masiguro lamang na hindi siya maipakukulong ni Binay.

Pero kung ako kay Poe ay hindi ako magpapauto kay PNoy… iyan ay kung ayaw ng senadora na makaladkad sa mga isyu ng katiwalian, kapalpakan at pandarambong na kinasangkutan ng administrasyon na ito.

***
Para sa komento o suhestiyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Lagarto para colorear


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>