TOKYO, JAPAN – Umiigting ang komplik sa pagitan ng Japan at China. Katulad ng Pilipinas na inagaw ng China ang West Philippine Sea, pilit nitong inaangkin ang mga isla sa Senkaku ng Japan.
Saan aabot ang kanilang agawan? Ilang ulit nang tinungo ng pwersang nabal ng China ang Senkaku para sakupin ito at gawin ang ginawa nila sa Spratlys ngunit makailang ulit din silang hinarang ng Japan Coast Guard na alalay ang Japan Navy at Air Force. Umatras ang mga singkit ngunit patuloy na nangungulit.
Maaalala kung gaano katindi noon ang sandatahang lakas ng Japan. Matapos nilang palubugin ang mga barko’t submarino kasama ang pagdurog sa mga jetfighter ng Amerika sa Pearl Harbor, Hawaii noong 1942, sinakop din nila ang buong Asya.
Ganyan sila kamaskulado, noon.
Ngayon, ang Japan ay nakatali sa lakas ng kanilang konstitusyon. Nakatanikala ang kanila sandatahang lakas sa Article 9. Bawal ang malawakang produksyon ng lahat ng armas pandigma para gamiting panlabas.
Nilikha ang Article 9 sa Japan Constitution para hindi na maulit ang kanilang imperial power. Ayaw nang maulit ng mga lider at mamamayang Hapones sa pait na dulot sa kanila ng World War 2. ‘Yaong pagbagsak ng bomba atomika sa Nagasaki at Hiroshima na pumatag sa dalawang rehiyon at pumatay ng daang libong residente.
Nangamatay ang mga puno sa bundok. Nalason ang mga tubig sa ilog. Nalusaw ang katawan ng mga residente. Hanggang ngayon, may epekto pa rin ang radiation na dala ng atomic bomb noon.
Ayaw na sana ng digmaan. Ayaw na nila ang mapait na pag-ulit ng karanasan. Pero sa ginagawa ngayon ng China na kaliwa’t kanan na pag-angkin-pagsakop sa hindi nila teritoryo, nagising nila ang liwanag na papatay sa dragon – ang China.
Sa ngayon, nagsusumikap ang mga mambabatas na maipasa kaagad nila ang bagong panukalang batas sa kanilang Sandatahang Lakas. Mismong si Prime Minister Shinzo Abe ang nagtutulak para maalis ang Article 9 at muling ipakita ang masel ng Japan sa usapin ng lakas military sa mundo.
Ngayon pa lang, aktibo na ang Japan sa panlabas na anyo ng kanilang depensa.
Kamakailan ay sumali sila sa iba’t ibang military drills kasama ang iba’t ibang bansa. Itong huli, navy drills ng Pilipinas at Japan.
Mismong ang American Defense at Armed Forces ay natuwa sa pagluluwag ng Kongreso at Konstitusyon ng Japan.
Mismong si US President Barrack Obama ay nagsabi na mabisang pambalanse sa rehiyong Asya ang pagiging bukas muli ng Japan sa larangan ng militar.
Kung sakaling mangyari at lubusang pumasa sa Kongreso ng Japan ang pagbaklas ng Article 9, tiyak, muling makikita ang naglalakihan at matitigas na masel ng Japan – sa depensa-militar! BALETODO/ED VERZOLA
