Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

FIGHT, VITANGCOL, FIGHT!

$
0
0

NAKITA, nabasa, alam ng investigators ng Ombudsman na pirmado nina DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya Junior at Usec. Jose Perpetuo Petilla ang kontrata sa pagitan ng kanilang ahensiya at Philippine Trans Rail Management and Services Corporation para sa pagmantine ng MRT3.

Kung iligal, mali at baluktot ang kontrata ng DOTC at PH Trams, dapat managot ang lahat ng pumirma at hindi lang isa o dalawa – tauhan man o kasabwat lang. Direkta silang mga opisyal sa batayan ng “command responsibility”!

Sa hirit ni dating MRT3 GM Al Vitangcol III, alam na alam nina Abaya at Petilla ang kontrata ng DOTC kahit wala na si Interior Sec. Mar Roxas na dating hepe rin ng DOTC.

Pero mas tinimbang ng Ombudsman ang “relasyon” nina Vitangcol at PH Trams official Arturo Soriano na tiyuhin ng kanyang asawa.

Kung totoo at puristang maglinis ang Ombudsman, bakit hindi nila sinita na ang bumubuo ng mga opsiyal at kolektor ng PH Trams ay pawang malaki ang papel bilang mga miyembro, kolektor at operators ng Liberal Party ngayon?

Lumaban ka, Al Vitangcol! Binastos ka ng iyong mga kaibigan sa LP at sinisira ang pagkatao at buo mong pamilya. Malaki ang laban mo sa kabobohan ng magkakaso sa iyo – Ombudsman?

Malakas na halimbawa ang nangyari kay ex-President now Pampanga Congressman Gloria Macapagal-Arroyo.

Kinasuhan siya at ipinakulong dahil lang sa paglagay niya ng “okay” sa pagpapalabas ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office at OWWA.

“Okay” lang iyon at plunder ang kaso. Walang piyansa at kahit malala na ang sakit ay ayaw palabasin ng LP leaders, partikular ni benggatibong Pres. Benigno Aquino III.

Ang totoong atraso kasi ni PGMA kay Noynoy at sa angkan nito ay pagputol sa kapangyarihang angkinin ang buong Hacienda Luisita.

Sana’y huwag kang maging malambot sa ginawa sa iyo ng Ombudsman at paghulog ng Liberal Party matapos kang gamitin sa kanilang kasakiman at katiwalian.

Bakit nga hindi? P60M humigit-kumulang ang nakokolekta ng maintenance contractor kahit wala man lang nagagawang kaayusan ng MRT3. Sa halip na maayos, ang 20 bagon noon na tumatakbo ay 7 na lang ngayon na kumakarag pa halos araw-araw!

Huwag kang maging mabait sa iyong mga kaibigan at kapartido, Al Vitangcol. Nakataya na ang buhay mo, kasama ang buong pamilya mo.

Ipaalala ko lamang sa iyo ang ilang miyembro ng pamilya na sinira noon, nagpakamatay kung hindi asawa ay mga anak. Gusto mong mangyari sa iyon?
FIGHT, VITANGCOL, FIGHT! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Broken Heart Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>