Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAKIT HINDI BAGUHIN ANG NGALAN, MUKHA NG TORRE?

$
0
0

BINATIKOS ng mga kritiko ang konstruksyon ng kontrobersiyal na 46 na palapag na Torre de Manila sa Taft Avenue, Ermita, Maynila, at binansagan itong “photobomber” na sumira sa background ng monumento ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal sa Luneta.

Naglabasan ang mga mungkahi na maglagay ng malaking bandila ng Pilipinas upang matakpan ang tore; ikutin ang monumento ni Rizal upang maharap ito sa Taft Avenue at mailipat ang atensyon ng lahat sa ilog na background nito; o gibain na lang nang buo ang tore para mawala na ang paksa ng kritisismo.

May nabasa akong mungkahing may kabuluhan sa Facebook mula kay Samuel Briones ng Quezon City, na nagpakita pa ng kanyang disenyo na sa palagay niya ay dapat gawin sa gusali upang magmukhang karapat-dapat na background sa ating pambansang bayani.  (https://www.facebook.com/samuel.briones.581/posts/1015478491837041)

“The façade is a colored glass curtain wall cladding behind the authentic signature of Rizal. This is made up of luminous lines that can be viewed clearly any time of day or night and is in harmony with the environment and cultural value of the monument and the park in general,” sabi ni Briones.

Ayon kay Briones ay dapat itong sumunod sa lahat ng “Philippine laws and ordinances of other concerned agencies and must be fair to the owner/builder.”

Pwede raw itong pangalanang Torre de Rizal, Torre de Gat Rizal, Rizal Tower, Heroes Tower of Manila, Gusali ng Maynilad o anomang mungkahi na magiging parehas sa lahat ng may kinalaman dito mula sa gobyerno o may-ari na DMCI.

Ilang ahensiya ng gobyerno ang nag-alala sa konstruksyon ng gusali na sa paniwala nila ay labag sa preserbasyon ng mga pangkultura at makasaysayang lugar sa bansa.

Pero hindi pwedeng sisihin ang DMCI dahil sumunod ito sa lahat ng reglamento na kailangan sa pagtatayo nito, bukod pa sa nakagasta na umano ito ng P3-bilyon sa gusali, na hindi barya-baryang pera.

May mga naniniwala na ang dapat sisihin ay ang pamahalaang lokal na nagbigay ng permit. Kung malinaw sa batas na limitado ang konstruksyon hanggang sa pitong palapag, bakit nila pinayagan ang DMCI na magtayo ng proyekto na may taas na 46 palapag?

***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>