Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KITA NI EBDANE MILYONES

$
0
0

LIMANG dekada nang nagmimina ang Consolidated Mines, Inc. (CMI) sa minahang Coto Chromites sa Zambales dahil ang nasabing kumpanya ang may ekslusibong karapatang magmina sa Coto Chromite.

Nanganghulugang kumikita ang CMI at nagbabayad ito ng buwis sa pamahalaan.

Noong Hunyo 30, 2010 ay idineklarang gobernador ng Zambales si Hermogenes Ebdane, Jr. makaraang manalo sa halalan.

Sa reklamo ng CMI sa Office of the Ombudsman, lumalabas na bago sumapit ang Oktubre 30, 2011 ay nag-isyu ng permit si Ebdane sa Geoking Asia Mining Corporation (Geoking) upang magkaroon ito ng karapatang magmina sa minahan ng Coto Chromite.

Dahil sa permit na nilagdaan ni Ebdane ay sapilitang napaalis ng Geoking ang CMI.

Ayon pa rin sa reklamo ng CMI, si Romelino Gojo ng Provincial Mining Regulatory Board (PMRB), kasama ang mga pulis sa pamumuno ni PNP Zambales Director Francisco Santiago, Jr. at mga tauhan ng Geoking, ang nagpatupad sa permit na galing kay Ebdane.

Sumigaw pa raw si Gojo laban sa mga taga-CMI ng ganito: “Kung gusto ninyong magdemanda, idemanda ninyo si Gobernor Ebdane!”

Walang nagawa ang mga taga-CMI, lalo na’t may mga kasamang pulis si Gojo at ang mga taga-Geoking na armado ng matataas na kalibre ng mga baril.

Hindi dapat umasta si Gojo na akala mo’y tumanggap siya ng napakalaking halaga mula kay Gob. Ebdane na animo’y maaari niya nang bilhin ang kapwa niya.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, si Ebdane ay tahasang lumabag sa “Anti-Graft and Corrupt Practices Act and the Revised Penal Code under the Usurpation of Official Functions.”

Nilabag naman ni Gojo at ng mga taga-Geoking na sina Weng Chen, Camilo Esico, at tatlong iba pa ang “Theft of Minerals under Section 103 of Republic Act No. 7942 (Philippine Mining Act of 1995).”

Ano kaya ang nag-udyok at nakakumbinsi kay Gob. Hermogenes Ebdane, Jr. upang bigyan ng permit ang Geoking na magmina?

Milyones kaya ang totoong nag-udyok at kumumbinsi kay Ebdane upang palitan ng Geoking ang CMI sa minahan?

Marami tayong katanungan. Wala naman pong masama kung magtatanong, lalo na sa isang nakapagtatakang pangyayari, hindi po ba Gob. Ebdane?

XXX
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271 o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>