BIGYAN naman po natin ng pagkakataon na mailabas ng ating mga tagasubaybay ang kanilang mga kahilingan, kaisipan, paniniwala, sumbong, balita at iba pa at narito po sila.
KAWATAN SA CERES BUS
Dear Sir Benny, noong May 21, sumakay ako ng Ceres bus galing Pasay patungong Iloilo. Nagbayad ako sa bagahe ng karga ko pero pagbaba ko, laking gulat ko nang nawala ang isang bagahe ko na worth P6,000 ang laman na paninda na kinompra ko. Palagi kong ni-follow up pero wala pa rin. Ang sabi, ang konduktor na Aplomina ang name ay hindi pa raw nagre-report.
Pinatawag na raw nila at patawagin sa akin pero hanggang ngayon wala pa rin. Maraming nagsabi na modus daw ito ng ibang konduktor na may kasabwat na magnanakaw ng karga at sa Batangas port daw ito nangyari. Ganun ba ang Ceres Liner, ‘di nila tsine-check ang mga tauhan nila kung may ginagawang masama? AMOR. 0908297….
KASONG BINAY
Mga Binay ng Makati, ano ang masasabi ninyo, isa-isang nagre-resign o nag-i-inhibit ang justices ng Court of Appeals na may hawak sa mga kaso ninyo?
Sabihin n’yo na naman na pinupulitika kayo. Alam ng kahit illitirate o grade 1 ang totoo. Nakatutulog pa ba kayo nang mahimbing? Nagtatanong lang po? Thanks! 0926594….
PROBLEMA SA SAKAHAN
Ano ang dapat gawin ng gobyerno sa lumiliit na sakahan o bukirin? Patuloy ang pagdami ng tao. Sino ang dapat sisihin? Hindi ang gobyerno kundi tao.
Pakibukas ang inyong mga mata. 0927899….
PUNA KAY PNOY
Mr. Benny Antiporda, nakahalata ka ba? Si Noynoy Aquino lang ang naging Presidente ng Pilipinas na hindi kasundo ng China. Siguro hindi palakaibigan si Mr. Asendero? At siya lang ang tanging Presidente na hindi matapang at walang isang salita…at madaldal pa. Tuloy inaaway tayo ng ibang bansa.
At isa pa, marami raw tayong materials, bakit hindi tayo makaasembol ng armas, barko at eroplano para kahit maliit lang na bansa tayo, kahit papaano ay may pandepensa tayo. O sa yabang lang sila magaling? 0999653….
PANAWAGAN
Good day po sa mga taga-DSWD at mga foundation. Ako po si G. Edgardo Sandoval, 56 years old. Taos-puso po akong humihiling ng kaukulang tulong sa inyo para po sa aking nanay na si Bng. Tiofela Sandoval, 83 years old. Mabigat man po sa aking kalooban, pero talaga pong ‘di ko na kaya dahil maging ako man po ay mayroon ding nararamdaman sa aking katawan. Ayaw naman po siyang alagaan ng mga pamangkin ko. Mayroon po akong sakit sa puso at kidney at para maniwala po kayo sa akin, pwede po ninyong puntahan kami rito sa San Isidro, Subic, Zambales, tabi po ng simbahan ng Iglesia ni Cristo. Aantayin po namin ang response ninyo.
Maging ang mga kapatiran namin sa Iglesia ni Cristo, sana po ito man ay mabasa rin nila. Mabasa rin sana ng aking pamangkin sa aking kapatid na babaeng namatay. Sana Imelda Arabe at Michael Boknoy Arabr. Kung saan kayo naroroon sa ngayon at inyong mabasa ito, dalawin naman sana ninyo si lola ninyo. Kahit wala kayong dala, okey lang. Maalala ninyo siya at puntahan tutal kaunti na lang ang nalalabi sa kanyang buhay kahit ayaw ninyong kalingain. Tinatawagan ko ang lingkod Kapamilya at Kapwa Ko, Mahal Ko. 0921975….
DROGA SA TAGUIG
Gud day po. Please help us. Mga senior citizen po kmi. Pakipanawagan po yung super shabu tiangge dito sa No.13, Kalayaan St., Ususan, Taguig.
Ligalig po kami rito, buwan-buwan may patayan dito. Ipaalam n’yo po kay Mayor Lani ng Taguig. Wala pong silbi ang mga pulis-Taguig at barangay kapitan dito. Araw at gabi ang bilihan ng shabu rito sa buong Taguig at dito kmukuha? Bigtime pusher po rito sa Taguig ang isang magkapatid. Kunsintidor naman po ang tatay nila. Please maawa po kayo, help! 0919278….
OKS SI PNOY
Sabihin na nating puro Liberal Party ang nakaupo ngayon at iniuupo bago ang eleksyon. Hindi ba ninyo napansin na ngayon lang nangyari ‘yan sa pag-upo ni PNoy? Naglabasan ang mga baho ng matatagal nang mga politiko na matagal nang corrupt. Tanging si PNoy lang ang Presidente na naglakas ng loob na kalabanin ang mga corrupt dahil totoo ang hangarin niyang malinis ang gobyerno ng Pilipinas at sisiguraduhin niya sa kanyang pag-alis, e, maipagpapatuloy ito ng mga iniuupo niya ngayon. 0906473….
DINASTIYA
Dito po sa bayan ng Ramon, Isabela, ang asawa, mga anak, mga manugang, balae ng mataas na opisyal ay lahat empleyado ng munisipyo. Mga natalong kapitan at pasado kagawad ng bayan, lahat sumasahod sa kaban ng bayan. Dito na po ang pinakamaraming job order employees at executive assistants sa buong Pilipinas. Ito po ba ay tama? Pakisiyasat lang po. Nawawalan na po kami na pagkakataong maituwid ang mali rito sa bayan namin. Rescue po, matagal na naming kailangan. Agaran po sana. Kayo na lang po ang pag-asa namin. 0916527….
o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA