Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

POEA HANS CACDAC, IKAW NA!

$
0
0

KAMAKAILAN ay muling nagtanggal at nagsuspinde si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Chief Hans Cacdac ng mandarayang recruitment agencies. Ilan na ba ang natibag niya na ahensiya? Sana, dagdagan pa niya.

Wala tayong galit sa ilang recruitment agencies pero masyado nang naaabuso ang mga manggagawa natin na dumarayo sa ibang bansa.

Lalo na ang mga kababaihan na wala halos mapasukan kundi ang pagiging Domestic Helper (DH) na pinaganda ng Kongreso sa tawag na “househelp sevice workers” o HSWs. ‘Yun lang ang kaya ng mga mambabatas na itulong sa sektor na iyan, eh!

Hindi ko kilala nang personal si Administrator Hans Cacdac pero noong nasa PBS Radyo ng Bayan at DWBL pa tayo ay madalas ko siyang ma-interview dahil sa maayos at matuwid niyang pamamahala sa POEA.

Katulad ng pinsan niya sa PNP at ngayon ay hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Director General Art Cacdac, simple ring mamahala si Hans at tinitiyak niya na protektado ang mga manggagawa natin na dumarayo sa malalayong bansa.

May ilang pumalag sa kanyang ginawa na pagsuspinde at pagtanggal sa recruitment agencies.

Hindi sana siya yumuko sa mga grupo na iyon. Hindi alam ng grupo kung bakit kailangang buwagin ang mga ahensiya – mga pabaya!

Kailan lang ay sunod-sunod ang naka-post sa Facebook tungkol sa mga kababayan natin, pawang kababaihan na DH o HSWs.

Sinaktan sila, pinaso, dinagukan, pinosasan at ang matindi, ginahasa ng kanilang mga amo! Punyetang mga Arabo!

Ngayon, may nabalitaan na ba tayong recruitment agency o mga nag-recruit sa mga binaboy at pinagsamantalahang DH na tinulungan ng recruitment agencies nila?

‘Yung iba nga tumakbo pa sa ating embahada, sa halip na makaligtas, ipinahamak pa sila mismo ng mga opisyal sa embahada sa mga nambaboy sa kanila!

Tama ang ginagawang paglilinis ni Administrator Hans Cacdac. Ikaw na!

Sa totoo, kulang pa nga ang ginawa ni Admin Cacdac. At sa totoo rin, may ilang kasabwat ang recruitment agencies sa loob mismo ng POEA na nagagawang “dukutin” ang ilang JOB ORDERS mula sa ibang bansa at ibinebenta ito sa recruitment agencies. Natural, walang aamin sa “loob”.

Sana Sir Cacdac, magsagawa ka ng imbentaryo sa lahat ng kasalukuyang recruitment agencies para malaman ninyo, first hand, ang mga “lihim” nila sa proseso ng recruitment activities nila. Maraming marurumi sa kanila.

At sana rin po, huwag kayong yuyuko sa “malalaking recruitment agencies” na kakaiba rin ang laro.

POEA HANS CACDAC, hit them hard. Ikaw na! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>