TUWING nagsasagawa ng kilos protesta ang mga estudyante ng University of the Philippines ay paulit-ulit nilang isinisigaw ang tunay umano nilang layunin.
Ang ipaglaban ang mga karapatan ng bawat estudyante lalo na ang tinatawag na “poor but deserving.”
Kaya naman hanga tayo sa kanila, parekoy, na sa kabila ng murang edad ay bihasa na sila sa pananalita kung paano sasalungatin ang mga mali ng pamahalaan.
Pero kamakailan, isang estudyante ng UP Manila, si Kristel Pilar Mariz Tejada ay nagpakamatay dahil hindi na niya maipagpapatuloy ang pag-aaral sa isang dahilan.
Ang kanilang kahirapan!
Dahil pinatitigil na siya ng mismong pamunuan ng UP sa pag-aaral sa dahilang hindi siya nakapagbayad ng tuition fee!
Hanggang kamatayan ay ipinakita ng kawawang si Tejada na bagama’t mahirap pero talagang siya ay deserving!
Ang amang taxi driver at inang housewife ay nangarap na si Tejada (panganay sa limang magkakapatid) ang
mag-aahon sa kanila sa kahirapan sa pamamagitan ng edukasyon sa UP.
Pero ngayong wala na si Kristel ay kasabay na pumanaw ang kanilang pangarap, napatunayan din ng pamilya Tejada na ang UP ay hindi para sa mahirap . . .kahit deserving!
Ang UP, parekoy, ay isang pamantasan na may malaking alokasyon ng pondo bawat taon mula sa ating pamahalaan.
Maliban pa ‘yan sa kanilang “income generating projects.”
Na kung may kaunting tapyas ang gobyerno sa pondo nila ay kaagad na nanggagalaiti ang mga aktibista ng UP dahil ang kapakanan umano ng mahihirap na estudyante ang kanilang dinidepensahan!
Pero asan na ngayon ang mga aktibistang ito?
Wala ba silang balak mag-aklas para ipaglaban ang marami pang kagaya ni Tejada?
Sa burol ni Tejada ay pumunta ang ilang opisyal ng UP upang ipaabot daw ang pakikiramay at tulong
pinansiyal.
Tangna, parekoy, hindi na nahiya ang mga animal! Huh!
Kayo at ‘yang inyong de-monyong patakaran ang dahilan ng pagpapakamatay noong kawawang bata, tapos may gana pa kayong pumunta r’un!
Ang UP ay nirerespeto ko, pero ang kanilang patakaran ukol sa tuition fee ng mahihirap na estudyante at ang kamay na bakal sa pagpapatupad nito, para sa akin ay letse!