Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WISH LIST NI “SIR TSIP” PAGDILAO SA SONA

$
0
0

PANAHON na naman ng State of the Nation Address o SONA, at sa huling SONA ng Pangulo ay ilalatag nito ang kanyang pinakahuling report card sa kanyang tunay na mga boss.

Tuwing pinakahuling Lunes ng buwan ng Hulyo ay humaharap ang Pangulo sa pagbubukas ng Regular Session ng Kongreso para ilahad ang pagbabago ng bansa, kung mayroon man, sa loob ng isang taon mula nang ilatag nito ang kanyang huling plataporma.

Namumutawi na naman sa mga labi natin ang laman ng wish list ng bayan at para kay ACT-CIS PARTYLIST Rep. Samuel “SIR TSIP” Pagdilao, kasama ng pagsaludo sa mga parangal at mga napagtagumpayan ng Aquino Administration, ay siya namang paglalatag ng mga nais nating marinig mula sa SONA ni PNoy ngayong darating na Lunes, Hulyo 27.

Hiling ng dating CIDG Chief na maging prayoridad at maipasa na ang PNP Modernization and Reorganization Bill at ang mahigpit na pagpapatupad ng AFP Modernization Act. Kaakibat na sa agarang pag-aksyon sa mga ito ang pagpapatibay ng ating sandatahang lakas, para sa pagtatanggol ng ating kasarinlan laban sa mga nagtatangkang manghimasok at pumukaw sa anomang alitang teritoryal; gayundin ang ating kapulisan, para sa pananatili ng kapayapaan at kaayusan sa lipunan.

Maipahiwatig sana ng Pangulo ang paghamon sa bagong Chief PNP para sa mabisang pagpapatupad ng batas, at ng pagpapaalala na manatili itong matatag sa gitna ng kontrobersiya at pagsubok na kalakip ng puwesto nito.

Kakabit din ng mga programang ito ang agarang pagresolba sa problema ng retirees’ pension ng AFP at PNP. Hanggang ngayon ay marami pa ring hindi nakatitikim ng benepisyong karapat-dapat nilang makuha mula sa paglilingkod at serbisyo.

Mahalaga umanong gamitin ng Pangulo ang pagkakataong ito upang maitanim sa bawat mamamayan ang diwa ng nasyonalismo sa pamamagitan ng paglalahad ng makatotohanang kalagayan ng sigalot sa pagitan ng Pilipinas at ng China sa isyu ng hurisdiksyon sa West Philippine Sea.

Naging matunog din ang ilang intriga matapos i-“reprioritize” diumano ng AFP ang pondo para sa Modernization Program nito sa pamamagitan ng pagbili ng maanomalyang mga kagamitan at pakikipagkontrata diumano ng mga opisyal kapalit ng komisyon. Imbes na maging larawan ng progresibong sandatahang lakas ang Pilipinas, tila ba paatras ang martsa ng ating mga magigiting na sundalo.

Kailangang gawing prayoridad ang pagsasatupad ng mga programa laban sa panghihimasok ng mga dayuhan at sa pagpapanatili ng integridad ng pambansang teritoryo sa pamamagitan ng pagpapatibay ng kakayanan ng ating sandatahang lakas.

Nais marinig ng ating magiting na Kongresista ang paglalatag ng malinaw na estratehiya ng gobyerno para tuluyang pabagalin ang patuloy na tumataas na bilang ng kriminalidad na ayon sa isang survey ay nakasama sa Top 30 ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na kriminalidad sa buong mundo.

Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09353110472 at 09219787042. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>