PATULOY ang pagbuhos ng suporta sa kandidatura ni Aurora Rep. Sonny Angara na tumatakbo bilang senador sa ilalim ng Team PNoy.
Napatunayan ito nang muli namang mapasama si Angara sa top 12 na listahan ng mga nangungunang kandidato base sa resulta ng survey na isinagawa ng Pulse Asia, Social Weather Stations at maging ng Stratpolls.
Kaugnay nito ay inilunsad naman kamakailan ang Angara ng Estudyanteng Pinoy Youth Movement sa Cavite kamakailan kung saan nagpahayag ng pagsuporta ang mga kabataan sa kanyang kandidatura.
Nakasaad sa manifesto ng grupo na naging basehan nila sa pagpili kay Angara ang magandang track record nito bilang lawmaker.
Pinuri rin nila si Angara dahil sa pagsusulong ng mga batas na naglalayong iangat ang kalidad ng edukasyon, labanan ang kahirapan, at itaguyod ang kapakanan ng public school teachers.
Maging ang ilang unibersidad sa Metro Manila, tulad ng Philippine Normal University, Technological University of the Philippines, at Philippine Women’s University, ay nagpamalas din ng pagsuporta kay Angara na chairman ng House committee on higher and technical education.
Nangyari ito noong nakaraang linggo sa kanyang campus tour, kasama ang aktor na si Coco Martin na naniniwala sa kanyang education advocacy.
Iniendorso na rin si Angara ng iba’t ibang partylist groups tulad ng You Against Corruption and Poverty (YACAP), An Waray at marami pang iba.
Naniniwala kasi sila na malaki ang maitutulong ni Angara sa kanilang mga adbokasiya sakaling mahalal ito sa senado.
Samantala, naniniwala naman ang mga maralita mula sa iba’t ibang lalawigan na matutulungan sila ni Angara na mabuhay ng may dignidad sa pamamagitan ng mga batas na ipapasa niya na makamamamayan.
