Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

P4.6B ANG UTANG NG ADMINISTRASYON NI GORDON

$
0
0

ito-ang-totoo-coloredKUNG papaano at bakit nagkautang ng P4.6B ang Olongapo City as of Dec. 2012 sa NAPOCOR, na ngayon ay PSALM (Power Sector Assets & Liabilities Management), ay malaking kababalaghang palaisipan.

Ito ang Totoo: ang pamahalaan ng Olongapo, sa pamamagitan ng Public Utilities Department (PUD) nito, ang nagbebenta ng kuryente sa lungsod.

Ibinenta na ni Mayor Bong Gordon ang PUD sa CEPALCO (Cagayan Electric Power & Light Co.) sa halagang P610.5 M lamang, epektibo sa Hunyo.

Batay sa kasunduan, ang ibabayad ng CEPALCO ay hahatiin sa tatlo: 1) P500.5M para sa PSALM; 2) P60M sa SMEC ng San Miguel Corp. na pinagkakautangan din sa supply ng kuryente; at, 3) P50M para sa benepisyo ng mga empleyado ng PUD na mawawalan ng trabaho.

Ang masaklap, kahit sa PSALM mapupunta ang P500.5M ay hindi man lang mababawasan ang utang ng Gordon administration na P4.6B, dahil ito’y ipantatakip lang sa makokonsumo pang kuryente ng lungsod mula Enero hanggang Mayo 2013.

Nitong Miyerkules ay ipi-nasok na sa City Council ang ordinansang nagtatalaga ng P500.5M para sa PSALM dahil batay sa kasunduan, 2 araw matapos ang pirmahan nga-yong Martes, ay makukuha na nito ang pera.

Ang mas masaklap pa, inisponsoran ni Kgd. Gina Gulanes-Perez ang ordinan-sang nagtatalaga ng P500.5M para sa PSALM pero ang para sa mga empleyado ng PUD ay wala, gaya rin ng para sa SMEC.

Mukhang PSALM lang ang paliligayahin ni Gordon at ang P110M, kasama na ang para sa mga empleyadong mawawalan ng trabaho, ay iba ang plano. Payag kaya si DOE Sec. Carlos Petilla sa ganito?

Ito Ang Totoo: walang matuwid na dahilan para hindi rin magpasa ng ordinansa para sa P50M na benepisyo ng halos 200 manggagawang mawawalan ng trabaho, karamihan ay may 20-30 taong serbisyo.

Sunod-sunuran kaya itong si Gulanes-Perez  sa dikta ni Mayor Bong at JLo (sino ito?) kaya wala siyang pakialam sa kapakanan ng mga empleyado?

Abangan ang marami pang isyu sa bagay na ito. Ito ang Totoo!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>