Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

IMBESTIGAHAN NANG MALALIM ANG MGA LASUNAN

$
0
0

DAPAT na malalim na imbestigahan ng mga kinauukulan ang napakarami nang kaso ng pagkalason ng mga mamamayan, lalo na ang mga estudyante.

Nitong huli, nasa 400 bata sa Real Elementary School sa Calamba, Laguna ang nalason sa kinain nilang mga cup cake at ice candy.

Bago ito, halos 2,000 katao ang nalason sa isang lugar sa Mindanao dahil sa mga kinain nilang durian at mangosteen at ang iba naman ay nalason sa macapuno at iba pang mga pagkain.

HANGGANG FOOD LANG

Kung titingnan ang sinusuri ng mga awtoridad, mga bro, kinokonsentreyt nila ang imbestigasyon sa kalidad ng mga pagkain nakalason sa mga biktima.

Kung marumi, kung inabutan ng expiry date, kung sa pabrika o sa mga repacking at kung ano-ano pa.

Inaalam din kung may pahintulot mula sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang mga pabrika at tagatinda.

Maganda na ring ang mga hakbang na ito.

Pero dapat na lumagpas ang mga imbestigador dito.

IMPORTED NA GAMIT

Mungkahi lang naman natin ito, mga Bro.

Paano kaya kung uriratin ng mga imbestigador ang mga posibleng imported na gamit sa paggawa ng mga pagkain?

Halimbawa rito, mga Bro, ang mga asukal na gamit at suka na rin kung mayroon man.

Isinasangkot natin ang asukal, lalo’t wala pa ring nakasisiguro sa uri ng asukal na gamit.

‘Di ba may tinatawag na magic sugar noon na hindi na natin nasubaybayan kung ito’y ligtas na gamitin o hindi.

May mga suka rin na galing sa asido at tinitimpla sa tubig at hindi talaga galing sa mga halaman na kapag pinahinog ay nagiging suka ang mga katas.

Paano rin kaya kung uriratin ang mga plastic na gamit sa pagbalot ng mga pagkain.

‘Di ba, maraming plastic ang nakalalason?

Sabi nila, mga Bro, may mga food grade pero saan mo man tingnan ang plastic, plastic pa rin ‘yan na may sangkap na nakalalason.

TAGASURI ITATAG

Ang isang mahalagang gawin, mga Bro, ng pamahalaan ay magtayo ng mga opisina na surian ng mga pagkain, gayundin ng mga kaugnay na materyales sa mga ito gaya ng mga plastic, papel, karton, styrofoam at iba pa.

Sa rami ng mga gumagawa at nagtitinda ng mga pagkain, dapat ilagay sa mga munisipyo ang mga suriang ito at kung maaari ay sa mga barangay mismo para madali ang mga pagsusuri at medaling madala ang mga ito ng mga gumagawa at nagtitinda.

Kung napakalalayo ang mga surian gaya ng laboratory ng Food and Drug Administration na nasa Kamaynilaan, paano ang mga nasa malalayong lugar sa Luzon, lalo na ang mga taga-Visayas at Mindanao?

Dapat ding mabilis ang paggawa ng mga pagsusuri.

Pero sa madaling pagsusuri, hindi dapat isakripisyo ang mga katotohanan at hindi dapat haluan ang mga ito ng suhulan at pera-pera.

May ulat kasi sa atin, mga Bro, na minsang gumamit ng hindi magandang asukal ang isang kumpanyang gumagawa ng softdrink.

Anak ng tokwa, wala na tayong nabalitaan pagkatapos ng pagsusuri na isinagawa sa softdrink na may problema sa asukal.

PARUSANG MABIGAT

Kumusta na ba ang mga batas natin sa pagkain?

Mayroon bang nilalaman ang mga ito na dapat ilagan ng mga gumagawa ng mga pagkain, gumagawa ng mga materyales para rito at nagtitinda na rin nang may hindi magandang intensyon kundi kumita at manira ng buhay ng iba?

‘Yun bang == may mabigat bang parusa na ipinapataw ng mga batas natin sa pagkain sa mga baluktot ang mga gawa upang magtanda ang mga ito at hindi na ring tularan ng iba?

Dapat ding mabilis ang mga aksyon ng pamahalaan sa mga kasong may nakalalasong pagkain.

Tingnan ninyo ang ginawa sa India laban sa Maggi noodles at pampasarap.

Pinatigil ang Nestle sa paggawa ng Maggi noodles at betsin at pinaalis din sa mga tindahan ang lahat ng ganitong produkto ng noodles.

Dapat ganito kabilis at kadesedido ang ating mga awtoridad sa pag-aksyon sa mga pagkaing may lason.

TULONG NG GOBYERNO

Nasaan nga pala ang tulong ng gobyerno sa mga pamilyang may mga miyembrong nalason?

Balita kasi natin, mga Bro, ang nangyayari, eh, bahala sila sa buhay nila.

Kaya naman nalulubog sa mga utang, nagbebenta ng mga kalabaw at gamit hanggang sa magkandahirap-hirap ang mga biktima.

Kung daraanin mo kasi sa kaso ang mga ito, anak ng tokwa, mas mahal pa ang gagastusin mo sa abogado at sa mga hukuman ang iyong masisingil at siyam-siyam pa.

Kaugnay nito, magandang pag-isipan ng mga nasa pamahalaan kung paano maglaan ng direktang tulong sa mga biktima mula sa salaping-bayan.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>