ANG sasarap ng mga sinabi ni Pangulong Aquino sa kanyang huling State of the Nation Address. Para tayong idinuduyan sa alapaap.
Gumanda raw ang ating buhay, umunlad ang ekonomiya, sapat ang mga pagkain kaya ang ibig niyang sabihin, ‘WAG NA TAYONG MAGREKLAMO!
Pero habang siya’y nagbibida sa harap ng kanyang mga tagahanga, elitista, sosyalista at TANGINANG mga hila-hilang tuta sa Batasang Pambansa, sa labas niyo’y naroon ang mga taong hindi niya nabola.
Sila ang mga taong sumisimbolo ng tunay na estado ng ating BAYANG MINUMUTA sa kahirapan at dusa.
Nasa labas ng Batasan ang tunay na dapat na INIULAT ni PNoy. Patuloy na gutom, kahirapan at karahasan.
Sa pinakahuling survey ng SWS, 51 porsiyento o 11.2-milyong pamilyang Filipino ang nagsasabing sila’y mahirap pa rin.
Alin ang sinasabi ni PNoy na KINGINANG pag-unlad sa bawat Filipino? Limang taon na siya sa serbisyo, aasa pa ba tayo? Hindi kaya nananaginip tayo nang gising?
Kung umayos ang bayan gaya ng sinasabi n’ya, bakit puro mura ang sigaw sa kanya ng maraming Pinoy?
Sa araw-araw na pagsakay natin sa MRT at LRT, hindi lang mura kundi sumpa pa sa kanyang administrasyon ang maririnig. Ang hirap ng isang mahirap na laging umaasa na makasasakay tayo nang maginhawa sa walang aberya, malamig at hindi tumutulong MRT at LRT.
Hindi ko na ito pakahahabain pa dahil talaga namang kasinghaba ng MRT at LRT ang problemang iiwang legasiya ni Pangulong Aquino.
Ang HULING SONA, este, masasabi ko lang…..Kinginaaaaa! KANTO’T SULOK/NATS TABOY
