Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KATARUNGAN KAY “AIKA”

$
0
0

NATUKOY na ang mga salarin sa pagkakapaslang kay “Aika,” 23, dalaga at natagpuang may tama ng tatlong bala ng baril sa ulo, sa dike ng Sto. Tomas River sa San Felipe, Zambales noong Sabado.

Ito Ang Totoo: murder ang isinampang kaso ng San Felipe Police sa pangunguna ni Insp. Rolando Ballon laban sa Fil-Am na si Jonathan Dwayne Ciocon Viane, 29, ng Anchorage, Alaska at Niño Dela Cruz ng Pamatawan, Subic, Zambales.

Walang indikasyon na ginahasa ang biktima subalit sunog ang ilang bahagi ng katawan nito sa bigong tangkang pagsira ang ebidensya at itago ang insidente. Suot pa rin ng biktima ang kanyang relo at kwintas na may pendant nang matagpuan ng ilang magsasaka.

Natukoy sina Viane at Dela Cruz matapos makumbinsi ni Olongapo Mayor Rolen Paulino na maging saksi at makipagtulungan sa awtoridad ang 17-anyos na girlfriend ng suspek.

Pinagplanuhan ang pagpatay sa biktima sanhi ng pagtulong nito sa dating asawa ni Viane na si Liane Ramilla ng Illinois, USA na mabawi ang kustodiya ng anak na itinatago ng suspek sa Pilipinas.

Ayon sa saksi, siya mismo ang naghatid sa biktima sa pakikipagkita sa suspek noong madaling-araw ng Sabado. Hindi siya umano kasama sa aktuwal na pagpatay pero inamin aniya sa kanya ni Viane na pinatay niya ang biktima, kasama si Dela Cruz.

Kasama rin umano siya nang sunduin sa Pamatawan si Dela Cruz at asawa nitong si Erica na nag-alsa-balutan at binigyan pa ng pera ni Viane matapos magsanla ng kwintas sa Pampanga kung saan nila inihatid ang mag-asawa.

Ito Ang Totoo: kailangan harangin ang posibleng paglabas sa bansa ni Viane na nakatakdang umalis ng Pilipinas sa Miyerkules, ika-29 ng Hulyo. Sana matigil na ang mga haka-haka at paggamit sa pulitika ng malungkot na insidente.

Hindi “drug-related” ang insidente at hindi rin “serial killer” gaya ng pinapakalat ng mga politikong pulpol na sa halip na gumawa ng mabuti ay puro paninira sa nakaupo ang ginagawa. Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>