SA kabila ng mga pagbatikos ay pinuri pa rin ni Sen. Grace Poe ang ginawang paglagda sa Philippine Competition Act ni Pres. Noynoy Aquino kahit ginaya lamang ang bersyon.
Ang kahalagahan daw nito ay ang pagkakaroon ng malawak na pagpipilian ang mga consumer sa patas na presyo na magsisilbing hamon sa mga nagnenegosyo na mas pagandahin pa ang kanilang produkto na tanggap ang kalidad sa buong kapuluan.
Ang batas daw na ito’y makikita lang ang kagandahan kung maipatutupad ito nang tama.
Dapat daw ay bantayan ang pagpapatupad ng naturang batas upang hindi ito masalaula o maabuso, lalo ng ilang grupo na may pansariling interes dito.
Iginiit din ng senadora ang pagkakaroon daw ng matatag na sistema upang magsilbing gabay para sa pag-monitor ng Philippine Competition Commission na siyang magpapatupad nito.
Ang pinakahuli, ayon sa senadora, ay maging patas sa lahat ng antas ng kompetisyon na hindi lamang sa usaping imprastraktura ipatupad ang batas maging ito man ay sa industriya ng bigas.
SAKLA AT LOTTENG SA TUWI, SI RD ANG GAMIT
Patuloy ang pasaklaan at pa-lotteng ni Willy Bukbok sa Bgy. Palico, Tuwi at Bgy. El Paso, Nasugbu, Batangas.
Hindi hinuhuli ang mga pasugalan ni Willie Bukbok dahil wala siyang ipinagmamalaki kundi malakas daw siya kay Region 4-A RD Gen. Richard Albano.
Wala ring bukambibig si Willie Bukbok kundi si Gov. Vilma Santos-Recto kaya hindi mapatigil ang mga iligal na pasugalan nito sa mga nabanggit na bayan ng Batangas.
BOOKIES NI KONSEHAL, SI MAYOR ANG NASA LIKOD
Sa Rosario, Batangas ay patuloy ang pamamayagpag ng bookies ng STL ni Kon. Budha.
Palagi kasing ipinagmamalaki ni Kon. Budha na may go-signal ang bookies nito kay Mayor Manuel Alvarez.
Mantakin ninyo, halos buong sitio o barangay ay lantaran ang ginagawang pagpapatayo ng bookies ni konsehal.
Ano ka ba konsehal bookies!
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

